Sinusuportahan ng XM ang Misyon ng Malala Fund na Mabigyan ng Edukasyon ang Bawat Batang Babae

Nakapaskel Mayo 25, 2021 ng 9:56 am GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay ng donasyon ang XM sa Malala Fund bilang pagsuporta sa kanilang pagsisikap na mabigyan ng edukasyon ang mga batang babae sa buong mundo. Mahigit 130 milyong batang babae sa daigdig ang hindi nakatatanggap ng edukasyon. Maraming dahilan kung bakit: kahirapan, giyera at pananamantala, bukod pa sa diskriminasyon sa kasarian at maagang pag-aasawa.

Umaabot sa lokal, pambansa at internasyonal na lebel sa buong mundo ang pagsisikap ng Malala Fund na mapahusay ang edukasyon. Misyon nilang masiguro na maraming batang babae ang magkaroon ng 12 taon na libre, ligtas at kalidad na edukasyon.

Itong non-profit na organisasyon ay kapwa itinatag ni Malala Yousafzai, isang aktibista mula Pakistan na lumalaban para sa edukasyon ng mga kababaihan, na naging pinakabatang Nobel Prize laureate, kasama ng kanyang ama na si Ziauddin. Sinusuportahan nito ang 58 tagapagtaguyod na naka-base sa Afghanistan, Brazil, Ethiopia, India, Lebanon, Nigeria, Pakistan at Turkey.

Ang mga inisyatiba ng XM sa pagtulong sa lipunan ay konektado sa layunin nitong maging mas magandang lugar ang mundo. Sinusuportahan namin ang ilang organisasyon sa buong daigdig na may layuning makatulong o mapabuti ang mga kapus-palad at nangangailangan, at gusto naming makapagbigay ng patas na oportunidad sa maraming tao hangga’t maaari.

Para magbasa pa tungkol sa mga nagawa ng Malala Fund at para makapagbigay ng donasyon, pumunta sa kanilang website dito.