Sumusuporta ang XM sa paglaban ng Thammasat University Hospital sa Covid-19

Nakapaskel Hulyo 19, 2021 ng 12:06 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay ng donasyon ang XM sa Thammasat University Hospital sa Thailand bilang pagsuporta sa kanilang pagsisikap na gamutin ang mga pasyenteng naapektuhan ng Covid-19.

Ang Covid-19 ay ang pinakamalaking pandaigdigang krisis magmula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at patuloy pa rin ang matinding pagsisikap na limitahan ang idinudulot nitong pinsala. Maraming ospital, kabilang ang Thammasat University Hospital, ang nakikipaglaban para matugunan ang dumadaming bilang ng mga pasyenteng nangangailangan ng panggagamot. Tinugunan ng XM ang panawagan ng Thammasat University Hospital na makalikom ng donasyon upang mapondohan ang pagbili ng dagdag na kagamitang medikal na kinakailangan agad-agad.

Ang malawak na inisyatiba ng XM sa pagtulong sa lipunan ay bahagi ng mas malalim naming layunin na gawing mas magandang lugar ang mundo. Nagbibigay kami ng suporta sa maraming karapat-dapat na organisasyon sa buong mundo na may layuning matulungan o mapabuti ang buhay ng mga kapus-palad at mga nangangailangan, at makapagbigay ng pantay na oportunidad sa maraming tao hangga’t maaari.

Para alamin ang mga ginagawa ng Thammasat University Hospital at upang magbigay ng donasyon, bisitahin ang kanilang website dito.