Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong Disyembre, nakipagtulungan ang XM sa organisasyon na Nietos Itinerantes sa Peru para mag-organisa ng bingo sa mga matatanda na nakatira sa San Miguel Residential Care Center sa Lima. Bukod dito, nag-donate din kami ng mga kagamitang medikal sa pasilidad na ito na kabilang sa National Comprehensive Program for Family Well-being (INABIF).
Kahit na ipinagbubunyi natin ang mas mahabang buhay, nagdadala ito ng bagong pagsubok lalo na sa mga mahihirap. Ang San Miguel Residential Care Center ay nagbibigay sa mga matatanda ng tirahan, nutrisyon, medisina, libangan, at marami pang iba. Para suportahan ang mga residente nito, nag-donate kami ng kagamitang medikal kabilang ang mga first-aid na produkto at gamit na kailangan ng mga nahihirapang gumalaw.
Habang nagbi-bingo, nakisaya at nakisalamuha sa isa’t-isa ang mga residente. Karaniwang lumiliit ang mundo ng matatanda dahil sa problemang pangkalusugan. At para sa mga naghihikahos, kadalasang mahirap putulin ang siklo ng kalungkutan. Sa tulong ng mga libreng aktibidad at event, mas madali silang nagkakaroon ng koneksyon sa kapwa, at nagbibigay ito ng ligaya sa kanilang buhay.
Para sa marami, humahantong sa pagbaba ng kalidad ng buhay ang pagtanda. Pero hindi naman ito dapat mangyari. Ipinagmamalaki naming makipagtulungan sa mga organisasyon tulad ng Nietos Itinerantes, na tumutulong sa mga matatanda na makisalamuha, manatiling malusog, at makuha ang kailangan nilang tulong.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.
Sa pamamagitan ng pag-click sa "Magpatuloy", sumasang-ayon kang iproseso ng Trading Point of Financial Instruments Ltd ang personal na impormasyon na ibibigay mo sa pamamagitan ng live chat, alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Kumpanya, para makatanggap ng tulong mula sa aming Customer Experience Department.
Kung hindi ka sumasang-ayon dito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Members Area o sa filipino.support@xm.com.
Lahat ng mga paparating at papalabas na pag-uusap sa telepono, pati na ang ibang uri ng komunikasyon (kabilang na ang chat o mga email) sa pagitan natin ay ire-record at itatago para sa kalidad na pag-monitor, pagsasanay at kinakailangang pang-regulasyon.