Mga XM Seminar Tungkol sa Technical Indicators Idinaos sa Thailand

Nakapaskel Agosto 1, 2019 ng 9:16 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagpapatuloy ng XM ang malawak na sakop ng mga seminar nito sa Timog-Silangang Asya na sinimulan ngayong taon, at naabot na nito ang napakaraming nagti-trade na gustong matuto mula sa propesyonal na pagtuturo ng forex.

Ang dalawang bagong lokasyon ng seminar ay ang Bangkok noong Hulyo 13 at lungsod ng Chiang Mai noong Hulyo 27. Sa parehong destinasyon, maraming nag-i-invest ang pumunta sa presentasyon ng kilalang instruktor na si Sompop Jittrakul tungkol sa paggamit ng Ichimoku at Avramis River indicators kapag nagti-trade ng forex.

Ang pang-umaga at panghapong sesyon ng seminar ay sumakop sa magkakaibang aspeto ng technical analysis, nang may espesyal na tuon sa kung paano magagamit ang ilang indicators para mapag-aralan ang pataas o pababang galaw ng presyo, matukoy ang lakas ng trend sa market at takbo ng presyo.

Ang dalawang seminar ay tumupad sa layunin nitong mabigyan ang mga bisita ng mas malalim na pag-unawa sa kung paano tumatakbo ang mga indicator sa totoong buhay at kung paano nito matutulungan ang mga nagti-trade online para makapagsagawa ng tamang desisyon kapag sinusubukang tukuyin ang posibleng pagpasok at paglabas sa market.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bago naming kliyente na pumunta sa seminar sa Bangkok at Chiang Mai, at gusto din naming imbitahan lahat ng mga hindi nakapunta para kilalanin kami sa iba pang mga lokasyon ng XM seminar.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa mga susunod naming seminar sa Thailand at para makapag-rehistro na nang libre, mag-click dito.