Seminar ng XM sa Technical Analysis Idinaos sa Phitsanulok at Udon Thani

Nakapaskel Hunyo 26, 2019 ng 10:07 am GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong mga nakaraang linggo, ipinagpatuloy ng XM ang serye ng mga forex trading seminar nito sa buong Thailand, kung saan nakarating ito sa dalawa pang lokasyon: sa Phitsanulok noong Hunyo 8 at Udon Thani noong Hunyo 22.

Ang kilalang tagapagturo ng forex na si Sompop Jittrakul, na siyang naging tagapagsalita sa seminar sa bawat siyudad, ang nagbigay ng presentasyon sa mga bisita tungkol sa paksang pinamagatang Ang Avramis Trend Reversal at mga Istratehiya sa Breakout.

Para sa lahat ng mga pumunta sa seminar, maraming natulong ang syllabus pagdating sa pag-unawa kung paano magiging hudyat ang mga breakout sa oportunidad sa pagbili o pagbenta na maaring mapagkakitaan, at kung paano ginagamit ang ilang technical analysis tools para matukoy ang mga bullish o bearish na pattern sa breakout.

Maliban sa mga praktikal na detalye tungkol sa mga patakaran ng breakout at reversal sa trend, ipinaliwanag din ni Sompop Jittrakul sa mga bisita ang paggamit ng mga istratehiya sa Avramis breakout at trend reversal (ayan ay ang Avramis Swing Advanced indicator at ang Avramis Risk Management indicator, na parehong sariling tool ng Tradepedia trading academy.

Pinasasalamatan namin ang bawat isa sa mga kasalukuyan at bagong kliyente na pumunta sa aming mga seminar sa bawat siyudad, at gayundin gusto naming imbitahan lahat ng mga hindi nakapunta dito na mag-rehistro sa mga susunod na forex seminar ng XM na gaganapin sa iba pang mga lungsod sa Thailand.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na forex seminar ng XM at makapag-rehistro na nang libre, mangyaring mag-click dito.