Bumisita ang XM sa Bogotá para sa Libreng Forex Seminar

Nakapaskel Disyembre 4, 2017 ng 8:21 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinagagalak naming bumalik sa Bogotá, Colombia, noong ika-25 ng November para magsagawa ng libreng forex trading seminar sa mga online investors.

Kahit na hindi ito ang unang pagkakataon para sa Latin America, ito ang aming unang beses na magsagawa ng seminar sa Colombia. Ang aming pakay ay para mas maging malapit ang forex trading sa lahat ng mga interesado sa online trading at sa mga nais magkaroon ng praktikal na kaalaman partikular na tungkol sa forex trading. Ang aming on-site na pang-edukasyonal na event ay idinisenyo para magbigay sa mga dumalo ng matibay na pagkakaintindi sa mga pangunahing aspeto ng online forex trading at paggamit ng technical analysis tools nang mahusay.

Ang XM seminar na pinamagatang Mga Technical Indicators sa Forex Trading ay ipinresenta ng pangkat ng mga instruktor sa Academia de Mercados trading academy, at nagbigay ito sa mga dumalo ng mas mainam na kaalaman sa paggamit ng technical indicators para tukuyin ang trend strength at alamin ang entry at exit points habang naglalapat ng tamang risk management.

Marami sa mga dumalo ay nakapanood na sa mga arawang forex webinars na ipini-presenta ng XM sa salitang Spanish, at nakilala nila kami sa personal para matuto ng mga mahahalagang detalye tungkol sa mga teknik sa forex trading sa aming interaktibong seminar.

Sumunod ang aming seminar, ini-raffle namin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo sa event na siyang kasali sa XM Lucky Draw. Kaya naman, nais namin sila muling batiin sa kanilang pagkapanalo.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Samsung Galaxy S8 32069983
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 4031228
Premyo 3: 600 XMP (XM Points) 31146705
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 4056525

Ikinatutuwa naming makipag-ugnayan muli sa aming mga kasalukuyang kliyente na sumali sa aming seminar, pati na rin sa mga online investors na bago pa lang sa online forex trading at nais magkaroon ng kaalaman sa tulong ng libreng edukasyon na ibinibigay ng XM. Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa event ng XM sa Bogotá, at makikita sa mga litrato sa ibaba ang mga nangyari sa seminar.