Binisita ng XM ang Costa Rica, Ecuador at Argentina para Magsagawa ng mga Forex Seminar

Nakapaskel Disyembre 4, 2019 ng 10:08 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Nobyembre binisita ng XM ang tatlo pang bansa sa Latin America (Costa Rica, Ecuador at Argentina) para mas mapalapit pa ang pagtuturo ng forex sa mga nag-i-invest online na interesadong mapabuti ang kanilang kaalaman sa pag-trade gamit ang praktikal na kaalaman.

Kahit na hindi ito ang unang pagkakataon, bumisita ulit kami sa lungsod ng San José, Quito at Buenos Aires nang may kaparehong pagkatuwa at pagkasabik tulad ng dati dahil sa pakikipag-ugnayan naming muli sa mga kliyente.

Ang instruktor sa forex sa Latin America na si Felipe Erazo ang nagtalakay sa paksang Pagpapakilala sa Avramis River Indicator sa tatlong lungsod, kung saan ipinakilala niya sa mga dumalo ang ilan sa mga pinakamahusay na technical analysis tools na ginagamit para mapag-aralan nang tama ang datos sa market.

Maliban sa Avramis River Indicator, na nakakatulong sa mga nagti-trade upang madaling matukoy ang ranging markets, malaman ang lebel ng support-resistance at makita ang mga trend na may mataas na kalidad, ipinakita din ni Felipe Erazo ang paggamit ng candlestick reversal patterns at ipinaliwanag niya kung paano nito mati-trigger ang entry o exit signals.

Gusto namin muling pasalamatan lahat ng mga nagti-trade na pumunta sa seminar ng XM sa San José, Quito at Buenos Aires.