Binisita ng XM ang Pakistan para sa mga Libreng Forex Trading Seminars

Nakapaskel Abril 6, 2017 ng 1:56 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-25 ng March at ika-1 ng April, nag-host ang XM ng dalawang forex trading seminars na may libreng rehistrasyon para sa mga Pakistani online investors na kliyente din ng XM.

Ang unang event ay isinagawa sa Karachi Marriott Hotel noong ika-25 ng March, habang ang ikalawa ay isinagawa sa Pearl Continental Hotel Lahore noong ika-1 ng April. Ang paksa ng parehong seminar ay Market Trending at Price Action sa Swing Trading at ipinresenta ito ni Mario Pashardes, ang Chief Market Strategist ng Tradepedia LLC, na nagtalakay ng mga mahahalagang detalye tungkol sa mga teknik sa swing trading sa mga dumalo.

Ang mga kliyente ng XM na dumalo sa bawat seminar ay nakatanggap ng mahusay na presentasyon tungkol sa paggamit ng lahat ng forex trading tools na maaaring gamitin sa swing trading, kabilang na ang paggamit ng Tradepedia automated tools, ang Avramis Swing Indicator at ang Avramis Trend Reversal Indicator. Higit pa, nagpakita din ng iba’t-ibang mga istratehiya si Mario Pashardes, na may ultimong layunin para madali itong maintindihan at magamit ng mga nagti-trade ng forex.

Ikinatutuwa naming makilala ang aming mga kliyente sa Pakistan, at pinasasalamatan namin ang lahat ng nakisama sa amin sa Karachi at Lahore.

Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha noong event.