Bumisita ang XM sa Tunis Para sa Isang Forex Technical Analysis Seminar

Nakapaskel Nobyembre 5, 2019 ng 8:35 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Oktubre 26, bumalik ang mga dedikadong kinatawan ng aming kumpanya sa Hilagang Africa para salubungin ang mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM sa isang edukasyonal na seminar tungkol sa technical analysis kapag nagti-trade online.

Bukod sa natutuwa kaming magkaroon ng oportunidad na maranasan ang mabuting pakikisama ng mga lokal na mamamayan ng Tunis, nabigyan din namin ng pagkakataon ang mga nag-i-invest para makapunta sa libreng forex seminar na pinamunuan ng Instruktor sa Technical Analysis ng Tradepedia LLC na si Nizar Chaibi.

Idinaos sa Golden Tulip El Mechtel Hotel sa kapital ng Tunisia, ang seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Reversal Patterns at Avramis River ay sumalubong sa napakaraming nag-i-invest online na interesado sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa technical analysis.

Natutuwa kaming mabigyan ng pagkakataon ang mga bisita na matuto ng praktikal na kaalaman tungkol sa mga indicator sa pagsunod ng trend at candlestick reversal patterns, kasabay ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa napakahalagang papel ng technical analysis sa pagti-trade online. Ang gabay ni Nizar Chaibi tungkol sa paggamit ng technical analysis tools kasabay ng kanya-kanyang istratehiya sa pag-trade, pati na sa pagsasagawa ng mas mahusay na desisyon sa pag-i-invest gamit ang mga pamamaraan sa pagpapababa ng risk, ay lubos na napakinabangan ng lahat ng mga pumunta.

Gusto naming pasalamatan ang bawat isa sa mga pumunta dahil sa kanilang paglahok sa seminar ng XM, at inaasahan namin na nagagamit na nila ang kanilang mga natutunan sa pagti-trade.