Pumunta ang XM sa Chania para sa isang Forex Swing Trading Seminar

Nakapaskel Hunyo 28, 2017 ng 7:07 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-24 ng June, ang Certified Financial Technician na si Avramis Despotis, na sinamahan ng mga kinatawan ng XM, ay bumisita sa siyudad ng Chania, Greece, para sa libreng forex trading seminar tungkol sa paksang Mga Teknik sa Avramis Swing Trading.

Mula 2013, regular na nakapagbigay ang XM ng libreng edukasyon tungkol sa forex sa mga online investors na nakatira sa Greece, sa pamamagitan ng webinar o on-site seminars.

Ang Chania seminar ay isinagawa sa Samaria Hotel, kung saan nakilala ng mga dumalo si Avramis Despotis nang personal at nakakuha sila ng mga praktikal na kaalaman tungkol sa paggamit ng mga teknik sa swing trading. Ang presentasyon ay nagtalakay ng technical analysis bilang pangunahing paksa, na siyang magagamit ng online traders para bigyang kahulugan ang multi-day chart patterns, tumukoy ng trends at price action.

Ang isang araw na event ay nagbigay sa mga dumalo ng mas malalim na pagkakaintindi sa paggamit ng trading tools na magpapabuti kanilang pag-trade sa pamamagitan ng pagsunod sa isang sistematikong trading plan, pagiging maalam sa kung anong financial instruments ang iti-trade, at paglalapat ng tamang risk management.

Sa pangalawang parte ng seminar, ang mga dumalo ay nagkaroon din ng pagkakataong maging pamilyar sa ilan sa mga Tradepedia trading tools, gaya ng Avramis Swing Indicator at ng Avramis Trend Reversal Indicator.