Sinalubong ng XM ang mga Traders sa Kuantan Forex Seminar

Nakapaskel Nobyembre 14, 2017 ng 7:57 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang aming biyahe ngayong tag-init at taglagas para sa mga seminar sa Malaysia ay nakarating sa siyudad ng Kuantan noong ika-11 ng November, kung saan sinalubong namin ang mga investors para sa libreng XM seminar na pinamagatang Confluence Techniques sa Forex Trading.

Simula nitong 2017, sunud-sunod na nag-organisa ang XM ng mga forex trading seminars sa iba’t-ibang siyudad sa Malaysia para turuan ang mga baguhang online investors tungkol sa mga pangunahing konsepto sa forex at para magbigay sa mga batikang trader ng mga trading tools na kailangan para makamit ang kanilang layunin sa pag-invest sa pamamagitan ng mas malalaim na pagkakaintindi dito.

Noong ika-11 ng November, nagkaroon kami ng pagkakataong makilala ang napakaraming bilang ng mga Malaysian online investors na sumama sa XM seminar sa The Zenith Hotel sa Kuantan, kung saan nagbigay ang propesyonal na instruktor na si Zulle Razak ng kapana-panabik na presentasyon sa kung paano magsama-sama ng iba’t-ibang istratehiya na naaayon sa trading goals ng investor at risk management goals sa spot forex trading.

Ang tagapagsalita na si Zulle Razak ay nagbigay ng malinaw na pagpapaliwanag tungkol sa global markets sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kung bakit importanteng maintindihan ang mga bagay na nakakaapekto sa market trending at paggalaw ng presyo. Sinundan nito ni Zulle Razak ng pagpapakita sa kung paano gamitin ang ibang mga technical analysis tools, kabilang ang paggamit ng charts at indicators, at pagpapaliwanag ng kahalagahan ng trading psychology at risk management, na parehong konektado sa proseso ng online trading. Higit sa lahat, lahat ng mga dumalo ay nagkaroon ng magagamit na kaalaman sa kung bakit ang ibang mga patakaran at alituntunin (yan ay, indibidwal na trading plan) ay importante para sa bawat online investor, anuman ang financial instrument na kanilang napiling i-trade.

Sa ibaba makikita mo ang ilan sa mga litratong kinuha sa XM seminar sa Kuantan.