Nakilala ng XM sa mga Forex Seminar ang mga Nagti-trade sa Panama at Peru

Nakapaskel Oktubre 30, 2019 ng 9:15 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang dalawang pinakabagong lokasyon ng mga forex seminar kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang XM na makilala ang mga kliyenteng taga Latin America ay ang Panama City noong Oktubre 12 at Lima noong Oktubre 19.

Paano hanapin ang mga instrument na pinakamalakas mag-trend? Paano madaling makita ang lebel ng support at resistance? Paano tukuyin ang mahahalagang turning point sa market bago magsagawa ng desisyon sa pag-i-invest? Ito ang mga pangunahing katanungan na binigyang-pansin ng instruktor sa forex na si Felipe Erazo sa kanyang presentasyon sa bawat siyudad.

Ang seminar na pinamagatang Pagpapakilala sa Avramis River Indicator ay binuo ng napakahalagang mga detalyeng may kinalaman sa pagsusuri sa lakas ng trend, na importante para sa mga nag-i-invest online dahil nakakapagbigay ito sa kanila ng malaking bentahe sa paghahanap ng pinakamalalakas na trend at pag-iwas sa ranging markets.

Ipinakilala din sa mga pumunta sa seminar ang paggamit ng ilan sa mahahalagang technical indicators, kabilang ang Avramis River, na nakakatulong sa mga nagti-trade para matukoy at bigyang-kahulugan nang tama ang mga kaugnay na impormasyon sa market. Bukod dito, at para mapakita ang mas makapangyarihan pang pamamaraan sa technical analysis, ipinaliwanag ni Felipe Erazo kung paano pagsasamahin ang Avramis River indicator at candlestick chart patterns para makapagsagawa ng buy at sell signals sa layuning magkaroon ng mas mataas na kita nang may mas mababang risk.

Pinasasalamatan namin lahat ng aming mga kliyente na pumunta sa seminar sa Panama City at Lima, at habang patuloy pa kaming pupunta sa iba pang lungsod sa Latin America, iniimbitahan namin ang mga nagti-trade na pumunta sa aming mga seminar na gaganapin ngayong Oktubre.

Para sa karagdagang detalye at libreng makapag-rehistro sa seminar na iyong napili, mangyaring mag-click dito.