Sinalubong ng XM ang mga Kliyente sa Forex Seminar sa Ho Chi Minh at Hanoi

Nakapaskel Hulyo 3, 2019 ng 8:59 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Hunyo mas pinalapit pa ng XM ang pagtuturo ng forex sa mga kliyente sa Vietnam, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng seminar sa lungsod ng Ho Chi Minh at Hanoi.

Idinaos sa Ho Chi Minh City noong Hunyo 22 at Hanoi noong ika-29 ng kaparehong buwan, ang seminar na pinamagatang Pagpapakilala sa Japanese Candlesticks at Avramis River ay pinagsamang presentasyon ng Instruktor sa Forex ng XM na si Nguyen Ton Thai Hoang at CEO ng Tradepedia na si Avramis Despotis.

Sa bawat lokasyon ng seminar, natutuwang makilala ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang marami sa mga kasalukuyan at bagong kliyente na pumunta upang matuto ng bagong kaalaman tungkol sa technical analysis kapag nagti-trade ng forex.

Dahil ang pangunahing layunin ng seminar ay ang makapagbigay ng praktikal na impormasyon, ang mga tinalakay na teorya ay ipinakita din gamit ang mga tunay na halimbawa. Tinulungan nito ang mga bisita na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa kung paano gamitin ang Japanese candlestick charts para bigyang-kahulugan ang mga bullish at bearish na market, pati na ang price action. Higit pa dito, ang mga pumunta sa seminar ay naging pamilyar din sa Avramis River indicator na binuo ng Tradepedia, na siyang makakatulong sa mga nag-i-invest online upang madaling matukoy ang lebel ng support-resistance at mga signal sa trend na may mataas na kalidad.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa seminar sa bawat lungsod, at makikita sa ibaba ang mga litrato ng mga naganap dito.