Ginawaran ang XM bilang Pinakamahusay na Affiliate Program sa Smart Vision Investment Expo 2021

Nakapaskel Disyembre 16, 2021 ng 9:48 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa XM, priyoridad ang aming mga kliyente at partner. Palagi kaming nagsisikap nang husto para mapabuti ang aming mga handog at serbisyo. Kaya naman natutuwa kaming ianunsyo na iginawad sa amin ang parangal na Pinakamahusay na Affiliate Program sa Smart Vision Investment Expo sa Egypt!

Idinaos ang event na ito noong Oktubre 25–26 sa Hilton Heliopolis Hotel Cairo, kung saan isa kaming Diamond Sponsor. Ito ang isa sa pinakamalaking expo para sa pinansyal na market, mga kumpanya sa pag-i-invest ang mga trader sa Gitnang Silangan, kung saan libu-libo ang dumalo mula sa industriya ng pinansyal na serbisyo.

Gusto naming pasalamatan ang Smart Vision Investment Expo para sa parangal na ito at pinasasalamatan ka namin, aming mga kliyente at partner, dahil sa patuloy ninyong pagsuporta! Makatitiyak ka na ang parangal na ito ay nagpapatibay sa landas na tinahak namin upang makapagbigay palagi sa’yo ng pinakamahusay na handog at serbisyo.

Para alamin kung paano maging isang partner at tingnan ang mga insentibo na aming ibinibigay, mangyaring mag-click dito.

Sa XM affiliate program sigurado kang makakakuha ng personal na serbisyo na may napakagagandang benepisyo. Aasikasuhin ka ng isa sa aming mga personal account manager at makikinabang ka sa lingguhang bayad, walang limitasyon sa kabuuang komisyon at walang singil sa pag-setup.