Napanalunan ng XM ang Parangal na Pinakamahusay na Karanasan sa Pag-trade sa Ultimate Fintech 2021

Nakapaskel Agosto 3, 2021 ng 1:21 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Iginawad ng prestihiyosong Ultimate Fintech 2021 sa XM ang parangal na Pinakamahusay na Karanasan sa Pag-trade sa seremonya kamakailan na kinabilangan ng ilan sa pinakamalalaking kumpanya sa industriya. Ito na ang ikatlong pangunahing parangal sa industriya na natanggap ng XM ngayong taon, at mayroon pang mga iaanunsyo sa darating na panahon.

Sa loob ng halos isang dekada, kinikilala at itinatanghal ng taunang Ultimate Fintech awards ang kalidad ng serbisyo ng mga nangungunang broker sa buong mundo. Ang mga nanalo sa Ultimate Fintech 2021 ay natukoy sa pamamagitan ng online na pampublikong botohan, na pinangasiwaan ng independiyenteng panel ng mga hurado.

Ang mga parangal na ito ay idinisenyo para itampok ang pagsisikap ng pinakamahuhusay na broker sa buong mundo at ipakita ang kalidad ng kanilang mga serbisyo.

Pinasasalamatan ng XM ang Ultimate Fintech 2021 at lahat ng mga bumoto para sa amin. Patuloy ang aming determinasyon at pagsisikap na mabigyan ang bawat isang kliyente ng kalidad na serbisyo sa kanilang pagti-trade.