Nakatanggap ng Dalawang Parangal ang XM mula sa The European

Nakapaskel Hunyo 17, 2020 ng 8:18 am GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ibalita na pinarangalan ang XM bilang Pinakamahusay na Online CFD & FX Trading Broker sa Mundo at Pinakamahusay na Tagapagbigay ng Customer Service sa Mundo ng Global Business Awards 2020.

Ang mga nominado sa bawat kategorya ay hinirang sa pamamagitan ng pagboto online ng mga internasyonal na mambabasa ng The European. Kinikilala ng Global Business Awards 2020 ang XM dahil sa pinakamataas na antas ng serbisyo na ibinibigay nito sa mga kliyente sa buong mundo.

Ang parehong parangal na ito ay sumasalamin sa aming patuloy na pagsisikap upang mabigyan ang mga kliyente ng pantay-pantay na integridad sa negosyo, saanman silang panig ng mundo. Bukod dito, walang tigil ang pagbibigay namin ng napakalawak na hanay ng mga pinansyal na produkto na nababagay sa iba’t-ibang layunin sa pag-i-invest, at pagtitiyak sa napakagandang karanasan ng mga kliyente.

Tungkol sa Global Business Awards

Ang The European ay isang quarterly na magazine sa UK na may malawak na saklaw ng paksa sa pandaigdigang negosyo, kabilang na ang pagbabangko at pananalapi. Kinikilala ng taunan nitong Global Business Awards ang mga organisasyon at indibidwal na napapansin dahil sa kanilang makabagong pananaw at tagumpay sa negosyo na napatunayan sa kani-kanilang mga industriya.