Isinagawa sa Thailand ang mga Seminar tungkol sa CFD Trading

Zamieszczono 27/02/2018 o 11:03 czasu GMT. Dowiedz się więcej Aktualności

Para sa mga online traders na patuloy sa pag-aaral kasama ng XM, nagsagawa kami ng dalawang forex trading seminar sa Thailand ngayong February.

Ang mga online investors na sinamahan kami sa Bangkok noong February 17 at Chiang Mai noong February 24 ay nagkaroon na naman ng oportunidad para matuto ng praktikal na impormasyon tungkol sa pag-trade ng iba’t-ibang financial assets sa anyo ng CFDs (Contracts for Difference). Ang presentasyon ng mga instruktor na sina Sompop Jittrakul at Avramis Despotis ay sumakop sa serye ng mga mahahalagang detalye na may kinalaman sa pag-invest sa stocks, mga stock index, metals at energies, na maaaring i-trade bilang CFD sa MT5 platform ng XM.

Gamit ang ekspertong paggabay ng mga tagapagsalita, ang mga dumalo sa bawat lokasyon ay nagkaroon ng mahalagang kaalaman tungkol sa mga CFD markets sa pangkalahatan at mga confluence techniques na maaaring magamit kapag inaalam ang trend strength at price action, magde-desisyon kung kailan papasok o lalabas sa market, at higit sa lahat, paano magsagawa ng mga trades habang ginagamit ang mga teknik sa risk management.

Binigyang tuon din ang paggamit ng charts na may moving averages sa iba’t-ibang time frames, partikular na ang Moving Average Ribbon technique, dahil nakakatulong ito sa mga online investors para madaling tukuyin ang nagbabagong trends, kumpirmahin ang trend reversals, at gumawa ng desisyon base sa pagtaas o pagbaba ng market.

Nais namin muling pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente sa pagdalo sa aming dalawang seminar sa Thailand, at gaya ng dati ikinatutuwa namin silang makilala sa personal.

Bukas na ang rehistrasyon para sa panibagong serye ng seminar na isasagawa sa magkakaibang parte ng Thailand ngayong tagsibol, at ang bagong paksa nito kasabay ng mga lokasyon at petsa ay makikita dito.