Ang multi-asset trading account sa XM ay isang account na tumatakbo kaparehas ng iyong bank account, ngunit ang pinakamalaking pagkakaiba ay ang pangunahing layunin nitong mag-trade ng currencies, stock indices CFDs, stock CFDs, pati na rin ng CFDs sa metals at energies.
Pwede kang magbukas ng XM Ultra Low Micro, Ultra Low Standard, o Zero multi-asset trading account gaya ng makikita mo sa table sa itaas.
Pakitandaan na ang multi-asset trading ay pinahihintulutan lamang sa MT5 accounts, na nagbibigay din ng access sa XM WebTrader.
Sa pangkalahatan, ang iyong multi-asset trading account ay magtataglay ng
- 1. Access sa XM Members Area
- 2. Access sa (mga) kaugnay na platform
- 3. Access sa XM WebTrader
Kagaya ng iyong bangko, kapag nagbukas ka ng isang multi-asset trading account sa XM sa unang pagkakataon, kakailanganin mong dumaan sa proseso ng KYC (Know Your Customer). Magbibigay-daan ito para masiguro ng XM na tama ang mga isinumite mong personal na detalye, at para siguruhin ang kaligtasan ng iyong pondo at detalye ng iyong account. Pakitandaan na kung mayroon ka nang ibang XM account, hindi mo na kailangan pang dumaan sa KYC dahil awtomatikong makikilala ng aming sistema ang iyong mga detalye.
Sa pamamagitan ng pagbukas ng trading account, awtomatikong mage-email sa iyo ng detalye ng iyong login, na magbibigay sa iyo ng access sa XM Members Area.
Ang XM Members Area ay kung saan mo maaaring i-manage ang functions ng iyong account, kabilang na ang pag-deposito o pag-withdraw ng pondo, pagtingin at pag-claim ng mga promosyon, pagtingin sa iyong loyalty status, pagtingin sa iyong mga open positions, pagpalit ng leverage, pag-access ng support at pag-access ng mga trading tools na inaalok ng XM.
Ang Members Area namin ay patuloy na pinabubuti gamit ang mas pinapagandang mga functionalities para magbigyan ang aming mga kliyente ng flexibility para magpalit o magdagdag ng account anumang oras, nang wala nang kinakailangang tulong mula sa kanilang personal account managers.
Ang detalye ng pag-login sa iyong multi-asset trading account ay nagu-ugnay sa pag-login sa trading platform na tumutugma sa iyong uri ng account at kung saan ka magta-trade. Ang anumang pag-deposito at/o pag-withdraw o alinmang pagbabago sa settings na iyong isinagawa mula sa XM Members Area ay isasagawa din sa kaugnay na trading platform.