Kawanggawa sa Lipunan - Pagbibigay ng Patas na Oportunidad

Ang aming misyon ay ang magbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, anuman ang kanilang kultura, relihiyon,
o etniko, at tulungan silang makamit ang kanilang potensyal.

Pagpapahusay sa Edukasyon at Kaalaman

Nagsasagawa ng mga proyekto para tulungan ang mga indibidwal na magkaroon ng mahusay na edukasyon at mahahalagang kakayahan

Internasyonal na Tulong

Nakikipagtulungan sa mga aktibong lokal at internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga komunidad

Layunin naming magkaroon ng positibong epekto sakalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang Aming mga Pinakabagong Misyon

post-image

Pagsuporta sa mga Mahihirap na Bata sa Cairo

Ipinaskil Setyembre 11, 2023 ng 9:52 AM GMT

Nitong Hulyo, ipinagmamalaki naming suportahan ang organisasyon na Haya Karima sa Egypt. Direktang nakakatulong ang kontribusyon namin sa misyon nilang bigyan ng de-kalidad na edukasyon ang bawat isang bata sa Cairo, kabilang ang mga naulila at galing sa pamilyang may pinansyal na pangangailangan. Kabilang sa iba’t-ibang ginagawa ng Haya Karima ang pagpapatayo at pagpapaganda ng mga paaralan at nursery sa pamamagitan ng mga kinakailangang kagamitan, pagkuha ng kwalipikadong guro, at pagkakaroon ng mga klase sa pagbasa at pagsulat. Sa pamamagitan [..]

post-image

Handaan na Pinagsaluhan ng 40 Katao sa Singapore

Ipinaskil Setyembre 7, 2023 ng 9:32 AM GMT

Nitong Agosto 4, nag-donate ang XM sa Free Food For All (FFFA) para suportahan ang nakakabilib na programa na nakatutok sa mahirap na komunidad ng Bedok sa Singapore. Ang “Hapunan Kasama ng 40 Indibidwal” ay isang kamangha-manghang programa ng FFFA na nagtitipon-tipon sa 40 indibidwal mula sa mga naghihikahos na komunidad. Nakakatulong itong labanan ang marginalisasyon, bumuo ng koneksyon sa komunidad, at palaganapin ang pakikiisa sa lipunan. Ang 40 katao ay pinili mula sa mga kapus-palad na pamilya, walang tirahan, may [..]

post-image

Tulong sa mga Batang Nagugutom sa Sri Lanka

Ipinaskil Setyembre 6, 2023 ng 9:47 AM GMT

Nitong Hulyo 25, nagbigay kami ng donasyon sa “Proyektong Kusina para sa Lahat” ng Voice for Voiceless Foundation para magpamahagi ng 1,400 na tanghalian sa mga batang mahihirap sa Sri Lanka. Ang Voice for Voiceless Foundation ay isang kahanga-hangang organisasyon na tumututok sa pagtugon sa napakalaking problema ng kagutuman sa Sri Lanka. Nagpapatakbo ito sa siyam na magkakaibang lokasyon sa buong bansa upang makapagbigay ng nutrisyon sa mga batang hindi nakakakuha nito. Bukod sa pagtataguyod ng pangkalahatan nilang kapakanan, nagbibigay-daan [..]

post-image

Ginagawang Maginhawa ang mga Pulubi sa Malaysia

Ipinaskil Agosto 31, 2023 ng 8:06 AM GMT

Nakipagtulungan ang XM sa Dapur Pasak, isang charity sa Malaysia na pinamumunuan ng mga kabataan, para magbigay ng pagkain at ibang pangangailangan sa mga taong lansangan sa Kuala Lumpur. Kadalasang binabale-wala lang natin ang pagkakaroon ng makakain at pagpapanatili ng personal na kalinisan, pero para sa mga walang permanenteng matitirahan, isang itong patuloy na problema. Dahil dito, nagpamahagi ang XM at Dapur Pasak ng masustansyang pagkain, pati ng mga supply kit na pangkalinisan at pangkalusugan. Makakatulong ang mga ito para [..]

post-image

XM Nagdaos ng mga Open Mic para sa Fundraising

Ipinaskil Hulyo 11, 2023 ng 11:56 AM GMT

Nagpakitang-gilas ang mga empleyado ng XM sa isang gabi ng puno ng kasiyahan, kung saan ipinakita nila ang galing nila sa pagkanta bilang pagsuporta sa El Sistema Greece at Sistema Cyprus. Nakilahok din sa open mic ang mga estudyante mula sa Sistema, at pinatunayan nila kung paano napagtitibay ng musika ang samahan ng isa’t-isa. Nagbibigay ang Sistema ng mga libreng instrumento at nagtuturo ito ng musika sa mga kabataan, kabilang ang mga migrante at refugee. Natututo ng musika ang mga [..]

post-image

Nagbigay ang XM ng Sapatos sa mga Refugee

Ipinaskil Hulyo 11, 2023 ng 10:47 AM GMT

Ipinagmamalaki naming ituloy sa ikawalong sunod na taon ang aming gold sponsorship sa Pournara First Reception Centre. Kabilang sa gold sponsorship ang donasyon ng sapatos para sa mga walang kasamang bata, kababaihan, at mga nanganganib na grupo upang tulungan silang bumangon muli at bumuo ng panibagong buhay. Ang Pournara First Reception Centre ay ang pinakamalaking refugee camp sa Cyprus. Kasalukuyan itong nagpapatuloy sa mahigit 4,000 tao, kabilang na ang mahigit sa 1,000 bata na walang kasama. Nagbibigay ito ng pagkain, [..]

post-image

XM Namigay ng Damit sa mga Nangangailangan

Ipinaskil Hunyo 16, 2023 ng 1:06 PM GMT

Nag-donate kamakailan ng mga lumang damit ang team namin sa Cyprus at Greece para matulungan ang mga mahihirap. Nangolekta kami ng mga pambata at pang-matandang damit para suportahan ang organisasyon na PASYKAF at Theofilos. Ang Pancyprian Association of Cancer Patients and Friends (PASYKAF) ay nagbibigay ng libreng pangkalusugan at emosyonal na suporta sa mga pasyenteng may kanser. Nakatutok din sila sa pag-iwas at pagtataguyod ng kamalayan sa maagang senyales nitong sakit. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa PASYKAF, layunin naming matulungan [..]

post-image

XM Sinagot ang Pagpapagamot ng Batang Babae

Ipinaskil Hunyo 8, 2023 ng 8:26 AM GMT

Nitong Abril, sinagot namin ang operasyon sa puso ni Kha Han, isang 17-buwang batang babae mula sa isang mahirap na pamilya sa Vietnam. Mayroon siyang Tetralogy of Fallot, isang karamdaman na pwedeng ikamatay. Sa pakikipagtulungan sa Heartbeat Vietnam, nabigyan namin si Kha Han ng pag-asa at pagkakataon sa pangalawang buhay. Ang Tetralogy of Fallot ay binubuo ng apat na congenital heart defect na nakakaapekto sa normal na pagdaloy ng dugo at nagreresulta sa kawalan ng oxygen. Lubhang nanlumo ang magulang [..]

post-image

Food Packs para sa 60 Pamilya nitong Ramandan

Ipinaskil Hunyo 2, 2023 ng 8:16 AM GMT

Nitong Abril 22, 2023, nakipagtulungan ang XM sa BAZNAS Indonesia para magbigay ng “Maligayang Pagbati sa Ramadan” food packs sa 60 pamilyang nangangailangan. Naglalaman ang food packs ng mga pagkain tulad ng bigas, mantika, at asukal, na nakatulong para ibsan ang pinansyal na paghihirap ng mga taong naghihikahos sa buwan ng Ramadan. Bilang opisyal na organisasyon ng gobyerno, mahalaga ang papel ng BAZNAS sa pagbibigay ng ayuda sa mga komunidad at mga mahihirap. Sa XM, malakas ang paniniwala namin na [..]

post-image

Nagbigay Tulong ang XM sa Sulabha Trust sa India

Ipinaskil Mayo 25, 2023 ng 6:55 AM GMT

Nitong Marso, nagbigay kami ng donasyon sa Sulabha Trust for Special Education & Research sa India, isang organisasyon na sumusuporta sa mga batang may espesyal na pangangailangan pati kanilang mga pamilya. Itinatag ang organisasyon noong 1979 at nakakatulong na ito ngayon sa mahigit 180 estudyante taon-taon. Patuloy ang pagsisikap nilang magkaroon ng edukasyon at kalinga ang mga batang may espesyal na pangangailangan. Ilan sa mga serbisyong inaalok nila ay ang edukasyon, vocational training, speech therapy, at counselling. Ipinagmamalaki namin ang [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.