Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.

7 Asset Classes - 10 Trading Platforms - Higit 1000 instruments
Mag-trade ng forex, stocks, mga commodity, precious metal, energy, pati ng mga equity at thematic index sa XM.

Index Trading – Mga Spreads at Kundisyon

I-click para mabasa ang Dokumento ng Pangunahing Impormasyon sa mga major o minor cash index.

* Ang swap rates ay kinakalkula batay sa kaugnay na interbank rate ng index currency. Ang mga long position ay sinisingil ng kaugnay na interbank rate na dinagdagan ng markup, habang ang mga short position naman ay makakatanggap ng rate na binawasan ng markup. Ginagawa ang operasyon tuwing 00:00 (GMT+2 time zone, pakitandaan na maaaring may DST) at pwedeng magtagal ng ilang minuto. Para sa mga position na iniwang naka-open sa pagtatapos ng trading day ng Biyernes, ang swap ay sinisingil para sa 3 araw.

** Pinakamababang lebel sa paglalagay ng mga pending na order sa kasalukuyang presyo sa market.

Ang kinakailangang margin para sa mga CFDs ay kinakalkula bilang: Lots * Laki ng Contract * Presyo sa Pag-open * Porsyento ng Margin at hindi batay sa leverage ng iyong trading account.

Ang margin ay palaging 50% kapag naghi-hedge ng mga position sa CFDs at kung ang lebel ng iyong margin ay mahigit sa 100%.

I-click para mabasa ang Dokumento ng Pangunahing Impormasyon sa mga major o minor index futures.

** Pinakamababang lebel sa paglalagay ng mga pending na order sa kasalukuyang presyo sa market.

Ang kinakailangang margin para sa mga CFDs ay kinakalkula bilang: Lots * Laki ng Contract * Presyo sa Pag-open * Porsyento ng Margin at hindi batay sa leverage ng iyong trading account.

Ang margin ay palaging 50% kapag naghi-hedge ng mga position sa CFDs at kung ang lebel ng iyong margin ay mahigit sa 100%.

Mangyaring tandaan na ang aming Kumpanya ay hindi nagsasagawa ng awtomatikong pag-rollover sa mga bagong kontrata ng pinansyal na instrument na mayroong petsa ng pag-expire.

Mangyaring tandaan na ang aming Kumpanya ay hindi nagsasagawa ng awtomatikong pag-rollover sa mga bagong kontrata ng pinansyal na instrument na mayroong petsa ng pag-expire.

Paglalarawan Symbol Available na Contract Petsa ng Pag-open* Petsa ng Close Only* Petsa ng Pag-expire* Buwan ng Contract Pag-expire ng Contract**
EU Stocks 50 EU50 Sep 2024-06-19 2024-09-18 2024-09-19 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
France 40 FRA40 Sep 2024-08-14 2024-09-18 2024-09-19 Buwanan Pag-expire ng Contract**
Germany 40 GER40 Sep 2024-06-19 2024-09-18 2024-09-19 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
Japan 225 JP225 Dec 2024-09-11 2024-12-11 2024-12-12 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
Switzerland 20 SWI20 Sep 2024-06-19 2024-09-18 2024-09-19 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
UK 100 UK100 Sep 2024-06-19 2024-09-18 2024-09-19 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
US Tech 100 US100 Sep 2024-06-20 2024-09-19 2024-09-20 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
Wall Street 30 US30 Sep 2024-06-20 2024-09-19 2024-09-20 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
US 500 US500 Sep 2024-06-20 2024-09-19 2024-09-20 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
US Dollar Index USDX Dec 2024-09-12 2024-12-13 2024-12-14 MAR, JUN, SEP, DEC Pag-expire ng Contract**
Volatility Index Futures (S&P500) VIX Oct 2024-09-16 2024-10-15 2024-10-16 Buwanan Pag-expire ng Contract**

*Maaaring magbago ang Petsa ng Close Only at Petsa ng Pag-expire habang papalapit tayo sa aktwal na petsa. Dahil ito sa mga patakarang itinakda ng aming mga liquidity provider na namamahala sa rolling ng mga futures contract, at batay ito sa liquidity ng parehong aktibong contract at ang susunod na mag-e-expire. Ang araw ng negosyo pagkatapos ng petsa ng pag-open ng bagong instrument ay ang petsa ng pag-expire ng nakaraang contract.

**Nagbabago-bago buwan-buwan ang Petsa ng Pag-expire at batay ito sa rolling na iskedyul ng aming mga liquidity provider at ang liquidity ng mga contract.

Mangyaring tandaan na hindi nagsasagawa ang aming Kumpanya ng awtomatikong pag-rollover sa mga bagong contract ng pinansyal na instrument na mayroong petsa ng pag-expire.

Dividend Adjustment sa mga Cash Index

Ang CFDs sa mga cash index ay napapailalim sa pag-adjust ng dividend.

Kapag nagbibigay ng dividend sa mga shareholder ang isang kumpanyang kabilang sa index, binabawasan nito ang halaga ng kumpanya batay sa halaga ng dividend.

Makikita ito sa petsa ng ex-dividend bilang pagbaba ng presyo ng share ng kumpanya, pati na ang pagbaba ng halaga ng index batay sa proporsyon ng laki ng stock sa mismong index.

Para masigurong wala itong epekto sa mga position, ang pag-adjust ng dividend ay gagawin sa account ng mga kliyenteng mayroong position sa index sa 00:00 (GMT+2 time zone, maaaring may DST) sa petsa ng ex-dividend.

Ang pag-adjust ng dividend ay ginagawa bago mag-open ng market sa petsa ng ex-dividend (makikita sa itaas ang oras ng market).

Iki-credit sa account mo ang dividend adjustment sa mga long position pagkatapos ibawas ang anumang nararapat na withholding tax. Maaaring paiba-iba ang halagang ito depende sa pinagbabatayang financial instrument. Walang ibinabawas na withholding tax sa mga short position.

Hindi kasama ang ilan sa mga equity index CFDs tulad ng GER40Cash, GerMid50Cash, at GerTech30Cash. Hindi papatawan ng dividend adjustment ang mga instrument na ito dahil ang dividends na binabayad ng mga kasamang stocks ay ini-invest ulit pabalik sa index. Dahil dito, walang nangyayaring pababang adjustment kapag may kasamang stocks na nagbayad ng dividend.

Ang CFDs sa mga futures index ay hindi din napapailalim sa pag-adjust ng dividend.

Ang mga Buy na trades ay makakatanggap ng halagang kinalkula bilang:

Dividend adjustment = Idineklarang Index Dividend x laki ng position sa Lot

Ang mga Sell na trade ay sisingilin ng halagang kinalkula bilang:

Dividend adjustment = Idineklarang Index Dividend x laki ng position sa Lot

Paparating na Dividends sa mga Index

Ang mga symbol na ipinapakita ay ang mga symbols (o instruments) na inaaasahang magbigay ng dibidendo ngayong linggo. Ang mga nakalagay na dibidendo ay nagre-representa sa mga inaasahan ng aming mga liquidity provider at maaaring magbago.

Paano Tumatakbo ang Stock Index Trading?

Ang mga equity index, o kilala din sa stock index, ay mga aktual na stock market index, na tumutukoy sa halaga ng isang naturang seksyon ng stock market. Kinakalkula ito base sa weighted average ng presyo ng mga piling stocks, na kabilang sa aktual na kategorya na kanilang nire-representa. Ang mga stock index ay maaaring mag-representa ng isang stock market gaya ng NASDAQ, o maaari silang mag-representa ng ilan sa mga pinakamalalaking kumpanya ng isang bansa gaya ng S&P 500 sa America, FTSE 100 sa UK, o Nikkei 225 sa Japan.

Ang kahalagahan ng mga index ay para ipakita ang pangkalahatang direksyon ng isang stock market o ang pangkalahatang ekonomiya ng isang bansa. Gayunman, dahil ang mga stock index ay mayroong iba't-ibang mga kumpanya maaari itong maapektuhan ng isang malaking pagbabago sa isang kumpanya o malaking pagbabago ng isang sektor.

Ang aktual na weight na binibigay sa isang stock index mula sa maramihang mga stocks ay nag-iiba bawat index, nangangahulugan na hindi lahat ay gumagamit ng iisang criteria para malaman ang panghuling resulta. Ang dalawang pangunahing pamamaraan para kalkulahin ang aktual na weight na binibigay ng isang stock sa index ay price weighting at capitalization weighting.

Sa ibaba makikita mo ang kategorya ng ilan sa mga pinakatanyag na index:

  • 1. Dow Jones (US30) at Nikkei 225 (Japan225) ay mga price weighted na index.
  • 2. Ang FTSE 100 (UK 100), ASX200 (Australia 200), Hang Seng Index (Hong Kong 50), DAX (Germany 30), CAC 40 (France 40) at IBEX35 (Spain 35) ay ilan sa mga pangunahing stock index na capitalization weighted.

Ano ang mga Pinakasikat na Index sa Mundo?

S&P 500 (US500): Ang S&P500 (US500) stock market index ay ipinakilala noong 1957 ng kumpanya sa pangpinasyal na serbisyo sa US na Standard & Poor's Financial Services LLC. Ito ang nangungunang indicator ng mga US equity, at bilang isa sa mga pinakamadalas gamiting benchmark para sa US stock market, sakop nito ang halos 75% ng equity market sa US ayon sa capitalization.

ASX200 (Australia200): Ang ASX 200 (AUS200) index ay market capitalization-weighted na stock market index ng stocks na nakalista sa Australian Securities Exchange, na isa sa nangungunang 15 exchange sa mundo na may average daily turnover na $4.685 bilyon. Ang index ay nagtataglay lamang ng stocks na nakalista sa Australian Stock Exchange.

Nikkei 225 (JP225): Ang Nikkei 225 (JP225), na kilala rin bilang Nikkei, ay isang stock index ng Tokyo Stock Exchange, ang pangatlo sa pinakamalaking stock exchange na may market capitalization na US$4.09 trilyon.

GerMid50Cash: Sinusukat ng GerMid50Cash (na kinakalkula ng Borse Frankfurt) ang performance ng 50 sa pinakamalalaking kumpanya ayon sa market capitalization na mas mababa sa stocks na nasa DAX.

GerTech30Cash: Sinusukat ng GerTech30Cash Index (na kinakalkula ng Borse Frankfurt) ang performance ng 30 kumpanya sa teknolohiya na nasa Prime Standard segment at may ranggo na mas mababa sa shares na nasa DAX ayon sa laki nito (market capitalization at trading volume).

TaiwanCash: Sinusukat ng TaiwanCash Index ang performance ng mga mid-cap stocks sa Taiwan na may napakalawak na exposure sa information technology, pananalapi, at industriyal na sektor.

HSI (HK50): Ang HSI (HK50), Hang Seng Index, ay isang market capitalization-weighted na stock market index na ginagamit mula noong 1969 para itala ang pang-araw araw na galaw ng 50 sa pinakamalalaking kumpanya sa pangalawa sa pinakamalaking stock exchange sa Asya (at pang-anim sa buong mundo), ang Hong Kong Stock Market (HKEx).

FTSE 100 (UK100): Ang FTSE 100 (UK100) stock index ay tumatayo bilang Financial Times Stock Exchange 100 Index, na kumakatawan sa 100 kumpanya na may pinakamalalaking market capitalization na nakalista sa London Stock Exchange.

NASDAQ 100 (US100): Ang pangunahing NASDAQ index ay ang NASDAQ Composite, na may subset NASDAQ 100 (US100) na mayroong 107 equity securities na ini-isyu ng 107 sa pinakamakapangyarihang hindi-pangpinansyal na kumpanya na nakalista sa NASDAQ Stock Exchange.

DJIA (US30): Ang DJIA (US30), ang pangalawa sa pinakamatandang stock market index sa Estados Unidos sumunod sa Dow Jones Transportation Average, ay nagpapakita sa galaw ng 30 pangunahing kumpanya sa US sa loob ng karaniwang sesyon sa stock market. Kinakalkula ito ng DJIA Divisor sa pamamagitan ng paghahati ng presyo ng lahat ng 30 stocks na nirerepresenta nito.

DAX (GER40): Ang DAX (GER40), na tumutukoy sa Deutscher Aktienindex, ay ang pangunahing stock market index sa Germany na nagre-representa sa 40 sa pangunahing kumpanya na nagta-trade sa Frankfurt Stock Exchange. Isa ito sa mga blue chip index batay sa kalidad at kita.

CAC 40 (FRA40): Ang French na benchmark stock market index CAC 40 (FRA40) ay tumatayo bilang Cotation Assistée en Continu, at nirerepresenta nito ang nangungunang 40 halaga ng 100 kumpanyang may pinakamataas na market capitalization na kabilang sa Euronext Paris, ang pangalawa sa pinakamalaking exchange sa Europa.

Ipakita lahat|Itago lahat

Ano ang mga Index?

Ang mga equity indeks, o stock indeks, ay sa madaling salita mga indeks na nagre-representa sa pangkalahatang presyo ng isang grupo ng mga stocks.

Ang mga pangunahing equity indeks (stock indeks sa mundo) ay kumakabilang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:

  • 1. S&P 500
  • 2. Dow Jones
  • 3. Nasdaq
  • 4. FTSE100
  • 5. Nikkei225
  • 6. DAX
  • 7. CAC40
  • 8. Euro Stoxx 50
  • 9. ASX200

Kadalasan ang mga stock indeks ay kumakatawan sa pangkalahatang katayuan ng stock market kung saan ito kabilang. Kadalasan, ang mga stocks na kabilang sa isang stock indeks ay ang mga pinaka-impluwensiyal (pinakamalaking capitalization) na kumpanya.

Paano Kinakalkula ang mga Stock Market Index?

Sa alinmang araw ng pag-trade, ang mga presyo ng stocks ng ibang mga kumpanya ay tataas o bababa. Dahil ang stock indeks ay naglalaman ng iba't-ibang stocks, ang aktual na presyo nito ay tataas o bababa base sa pangkalahatang dynamics (mathematical at statistical formula) kung saan ang presyo ng bawat stock ay makaka-apekto sa presyo.

Ang mga sumusunod ay ang kailangang intindihin kapag nagta-trade ng equity indeks:

  • 1. Lahat ng stocks sa isang equity indeks (hal. Dow Jones) ay masinsinang pinipili at maaaring palitan ng isang kumpanya kung ang kanilang kabuuang performance sa pag-trade ay nalagpasan ng isang baguhang kumpanya. Sa madaling salita, ang mga kumpanya na kabilang sa isang indeks ay hindi garantisadong pare-pareho.
  • 2. Ang pagpasya sa impluwensiya ng isang stock sa pangkalahatang stock indeks ay nagtataglay ng mga kalkulasyon at mga palatuntunan. Hindi lahat ng stocks na nasa indeks ay pantay-pantay. Sa madaling salita, ang pangkalahatang presyo ng stock indeks ay hindi malalaman sa simpleng pag-add ng mga presyo ng stock at pag-divide ng bilang ng stocks.
  • 3. Ang stock indeks ay nagpapakita ng pangkalahatang consensus at maituturing na benchmark ng buong stock market na may historikal na halaga.
  • 4. Kagaya ng binanggit sa point 2, dahil hindi lahat ng stocks na kabilang sa indeks ay maituturing na pantay-pantay, mas binibigyan ng importansya ang mga indeks mula sa mga kumpanya na may mas mataas na capitalization. Ang ibig sabihin nito ay kung ang stock ng isang malaking kumpanya ay bumaba dahil sa anumang dahilan, ang pangkabuuang indeks ay susunod kahit na ang iba pang mga stocks na kabilang sa indeks ay hindi bumababa.
  • 5. Kagaya ng binanggit sa point 1, ang mga stocks na nasa isang grupo, na tinatawag na indeks, ay nagbabago-bago. Sa loob ng isang panahon ang indeks ay hindi laging nagre-representa sa pare-parehong grupo mga stocks.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.