Patakaran sa Cookies
Nirerespeto namin ang iyong privacy at dedikado kami sa pagsisiguro na lubos kang naaabisuhan kung paano mo maaaring pamahalaan ang iyong cookies.
Ano ang Cookies?
Ang cookies ay mga maliliit na file na naglalaman ng datos. Tuwing pumupunta ka sa isang website, nagpapadala ng cookie ang website papunta sa iyong computer. Tinatago ito ng computer sa isang file na nasa web browser mo.
Hindi pwedeng magpadala ang cookies ng virus o malware sa iyong computer. Dahil hindi nagbabago ang datos sa cookie tuwing nagpapabalik-balik ito, wala itong kakayahang makaapekto sa takbo ng iyong computer, kundi nagsisilbi itong tala (ayan ay, nire-record nito ang aktibidad ng user at inaalala ang mahahalagang impormasyon) at ina-update ito tuwing pupunta ka sa isang website.
Maaari kaming makakuha ng impormasyon tungkol sa iyo sa pamamagitan ng pag-access sa cookies na pinadala ng aming website. May iba't-ibang uri ng cookies na sumusubaybay sa iba't-ibang mga aktibidad. Halimbawa, ang session cookies ay ginagamit lamang kapag aktibong nagna-navigate ang isang tao sa isang website. Sa sandaling umalis ka sa website, nawawala ang session cookie. Para sa detalyadong listahan ng cookie na ginagamit namin, mangyaring basahin ang kaugnay na seksyon sa ibaba.
Bakit mahalaga ang Cookies?
Gumagamit kami ng functional cookies para analisahin kung paano ginagamit ng mga bisita ang aming website, at para i-track at pabutihin ang kakayahan at katangian ng aming website. Nagbibigay-daan ito para makapagbigay ng kalidad na karanasan sa kliyente sa pamamagitan ng mabilis na pagtukoy at pagresolba ng anumang problema na lilitaw. Halimbawa, maaari kaming gumamit ng cookies para i-track kung aling mga pahina ang pinakatanyag at kung alin ang pinaka-epektibong paraan sa pag-link sa pagitan ng mga pahina. Tinutulungan din kami nito na i-track kung ikaw ay ini-refer ng ibang website para mapabuti ang aming mga advertising campaigns sa hinaharap.
Ang isa pang gamit ng cookies ay para itago ang iyong login session. Ibig sabihin, kapag nag-login ka sa Members Area para magdeposito ng pondo, magkakaroon ng "session cookie" kaya matatandaan ng website na naka-login ka na. Kung hindi pinadala ng website ang cookie na 'to, paulit-ulit kang hihingian ng login at password sa bawat page na pupuntahan mo habang nagdedeposito ka.
Isa pang halimbawa ay ang functional cookies na ginagamit para maalala namin ang iyong preferences at makilala ka namin bilang user, siguruhin na ligtas ang iyong impormasyon, at para tumakbo nang mas maayos at maaasahan ang website. Halimbawa, nakakatulong ang cookies para hindi mo na kailanganing ilagay ang iyong username tuwing pupunta ka sa aming trading platform, at maaalala nito ang iyong preferences gaya ng wika na gusto mong makita tuwing nagla-login ka.
Ito ang ilan sa mga pinaggagamitan namin ng cookies:
Pag-verify ng iyong pagkakakilanlan at pagtukoy kung saang bansa ka galing
Pagtingin sa gamit mong browser at device
Pagsubaybay kung anong site ang nag-refer sa user
Pagpayag sa mga third party na i-customize ang content
Uri ng Cookies na Gamit Namin
Functional cookies:
Importante ang cookies na ito sa pagpapatakbo ng aming website. Kapag wala ang ganitong cookies, hindi aandar nang tama ang aming website. Pansamantala itong naka-save bilang impormasyon sa pag-login at mawawala rin sa sandaling isara ang browser.
Analytical cookies:
Gamit ang impormasyong binibigay ng analytical cookies, napag-aaralan namin ang kaugalian ng mga user at ginagamit namin ang impormasyong ito para pabutihin ang pangkalahatang karanasan o tukuyin ang mga parte ng website na maaaring nangangailangan ng maintenance. Anonymous ang impormasyon (ayan ay, hindi ito pwedeng gamitin para kilalanin ka at hindi ito naglalaman ng personal na impormasyon gaya ng iyong pangalan at email address) at ginagamit lang ito para sa istatistika. Ang behavioral cookies ay katulad ng analytical cookies at tinatandaan nito na bumisita ka sa website, at ginagamit ang naturang impormasyon para mabigyan ka ng content na nababagay sa iyong mga interes.
Promotional cookies:
Ginagamit ang cookies na ito para i-track ang mga bisita sa iba pang websites. Layunin nitong makapagbigay ng ads na nababagay at nakakatawag-pansin para sa indibidwal, kaya naman mahalaga ito sa publishers at mga third party na advertiser.
Preference cookies:
Binibigyang-daan ng preference cookies ang isang website na tandaan ang impormasyon tungkol sa pagtakbo o itsura ng website, tulad ng napili mong wika o rehiyon kung saan ka nagmumula.
Para palitan ang iyong cookie settings, mag-click dito.
Gumagamit ang website na ito ng Google Analytics, ang web analytics service ng Google, Inc. ("Google"). Gumagamit ang Google Analytics ng analytical cookies na nilalagay sa iyong computer, para tulungan ang isang website na pag-aralan kung paano mo ginagamit ang naturang site. Maaaring ipadala at itago ng Google sa kanilang servers ang impormasyon na nakukuha ng cookie tungkol sa paggamit mo ng website (kabilang ang iyong IP address). Pwedeng gamitin ng Google ang impormasyong ito para pag-aralan ang paggamit mo ng website, mangalap ng report tungkol sa aktibidad sa website, at makapagbigay ng iba pang serbisyong may kinalaman sa paggamit ng website at internet. Maaari ding ilipat ng Google ang impormasyong ito sa mga third party, kung kinakailangan ng batas, o kung pinoproseso ng mga naturang third party ang ganitong impormasyon para sa Google. Hindi iuugnay ng Google ang iyong IP address sa iba pang datos na hawak nito. Sa pamamagitan ng paggamit nitong website, pinapayagan mo ang Google na iproseso ang anumang datos tungkol sa'yo, sa paraan at layunin na nakalagay sa itaas.
Pamahalaan ang Cookies
Pwede mong burahin ang cookies anumang oras sa pamamagitan ng paggamit ng settings sa iyong web browser. Pwede mo ring i-disable ang cookies mula dito, pero mangangahulugan ito na baka hindi tumakbo nang tama ang aming website at ibang websites, at bilang resulta, maaaring hindi ka maka-sign in. Makikita sa www.aboutcookies.org ang karagdagang impormasyon tungkol sa pagbura o pagkontrol ng cookies.
Do Not Track (DNT) na setting ng browser
Ang DNT ay isang katangian na inaalok ng ibang mga browsers na, kapag naka-enable, nagpapadala ng signal sa mga website para hilingin na huwag i-track ang iyong pag-browse, gaya ng mga third party ad networks, social networks at analytic companies. Ang website na ito ay kasalukuyang hindi tumutugon sa DNT requests.
Karagdagang Impormasyon
Kung may mga partikular na tanong o pagkabahala ka tungkol sa cookies, mangyaring makipag-ugnayan sa support@xm.com.
Nakatutok kami sa pangangalaga ng iyong personal na impormasyon. Para sa iba pang detalye tungkol sa paghawak namin sa iyong datos, pakibasa ang aming Patakaran sa Privacy.