Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.

7 Asset Classes - 10 Trading Platforms - Higit 1000 instruments
Mag-trade ng forex, stocks, mga commodity, precious metal, energy, pati ng mga equity at thematic index sa XM.

Thematic Indices – Mga Spreads at Kundisyon

ORAS NG PAG-TRADE NG THEMATIC INDICES (Maliban sa Crypto 10)
(GMT+2 time zone, maaaring naaangkop DST)

Karaniwang Araw 16:40-22:50


ORAS NG PAG-TRADE NG CRYPTO 10

24 oras araw-araw, 7 araw linggo-linggo

*Ang swap rates ay kinakalkula batay sa kaugnay na interbank rate ng index currency. Ang mga long position ay sinisingil ng kaugnay na interbank rate na dinagdagan ng markup, habang ang mga short position naman ay makakatanggap ng rate na binawasan ng markup. Ginagawa ang operasyon tuwing 00:00 (GMT+2 time zone, pakitandaan na maaaring may DST), pwedeng magtagal ng ilang minuto, at ipinapataw araw-araw.

**Pinakamababang lebel ng mga pending na order sa kasalukuyang presyo sa market.

Ang kinakailangang margin para sa CFDs sa Thematic Indices ay kinakalkula bilang: Lots * Laki ng Contract * Presyo sa Pag-open * Porsyento ng Margin at hindi batay sa leverage ng iyong trading account.

Ang margin ay palaging 50% kapag naghi-hedge ng mga position sa CFDs at kung ang lebel ng iyong margin ay mahigit sa 100%.

Thematic Indices – Ano-ano ito?

AI Index: Nagbibigay ng exposure ang AI Index sa mga nangungunang kumpanya sa US na nasa Artificial Intelligence ecosystem, kabilang ang mga microprocessor at pagbuo ng autonomous AI. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

China Internet: Kinukuha ng China Internet ang performance ng 30 pinakamalalaking kumpanya sa China na nakakakuha ng karamihan ng kanilang kita mula sa internet market. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

Crypto 10: Real-time na sinusubaybayan ng Crypto 10 ang sampung nangungunang crypto laban sa US dollar, habang tinututukan ang performance ng presyo nito sa mga matatag na digital asset exchange. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

Electric Vehicles: Sinusubaybayan ng Electric Vehicles ang mga kumpanyang nakalista sa US na nakakakuha ng hindi bababa sa 50% ng kanilang kita mula sa produksyon ng mga electric na sasakyan o kaugnay na parte at supply. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

FAANG 10: Tampok sa FAANG 10 ang 10 nangungunang kumpanya na tini-trade sa Nasdaq, na equally weighted para masukat nang tama ang paglago at pag-unlad sa teknolohiya. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

Blockchain & NFT: Nag-aalok ng exposure ang Blockchain & NFT sa umuusbong na sektor ng NFTs, blockchain, at crypto sa pamamagitan ng mga kumpanyang nakalista sa US at Canada. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

Ipakita lahat|Itago lahat

Tungkol saan ang thematic indices?

Sinusubaybayan at sinusukat ng thematic indices ang performance ng isang partikular na tema, sektor, o industriya sa financial market. Binuo ang mga index na ito para bigyan ng ideya ang mga trader at investor sa mga asset, kumpanya, o investment na may kinalaman sa isang tiyak na tema o trend, at upang masukat nila ang tagumpay at paglago ng naturang tema sa loob ng market.

Malawak ang saklaw na tema ng thematic indices, tulad ng teknolohiya, kalusugan, malinis na enerhiya, e-commerce, ESG principles, cybersecurity, blockchain, pang-diskresyon ng konsumer, at marami pang iba. Sa pangkalahatan, nagbibigay ang thematic indices ng nakabalangkas at nasusukat na paraan para subaybayan at makapag-invest sa mga tiyak na tema o sektor sa market, at upang makapagdesisyon ang mga trader at investor batay sa kanilang layunin at pananaw sa pag-i-invest.

Ano-ano ang mga sinisingil sa thematic indices?

Ang tanging singil sa produktong ito ay ang spread at swap na ipapataw kung sakaling nag-iwan ka ng naka-open na trade kinabukasan. Wala nang iba pang komisyon o singil maliban dito.

Pwede bang makakuha ng dividends ang mga position na in-open sa thematic indices?

Ang lahat ng thematic indices ay mga total return index, na nangangahulugang sinusukat nito ang performance ng isang grupo nang ipinapagpalagay na ini-invest pabalik ang lahat ng cash na ipinamigay, bukod pa sa pagsubaybay sa paggalaw ng presyo ng stocks na kabilang dito. Ang mga total return index ay may bersyon din bilang gross return, kung saan kinakalkula ito nang ipinapagpalagay na ini-invest pabalik ang kabuuang dividends.

Kaya naman, dahil ini-invest pabalik ang dividends ng thematic indices, walang pababang adjustment na mangyayari dahil sa pagbabayad ng dividends ng isang stock na kabilang dito, at hindi napapasailalim sa dividend adjustment ang thematic indices.

Sa aling platform ako pwedeng mag-trade ng thematic indices?

Pwedeng mag-trade ng thematic indices sa MT5 platform.

Sa ano-anong klase ng account pwedeng mag-trade ng thematic indices?

Pwedeng mag-trade ng thematic indices sa mga Ultra Low Standard account.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.