MT5 para sa iPhone

XM MT5 – 1 Platform, 6 na Asset Class

Ginawa ng Metaquotes para sa iPhone

mt5 iphone screenshot

Makakuha ng access sa mga financial markets sa mundo


Paano puntahan ang XM MT5 iPhone Trader

Step 1

  • Buksan ang App Store sa iyong iPhone, o i-download ang app dito.
  • Hanapin ang MetaTrader 5 sa App Store sa pamamagitan ng paglagay ng metatrader 5 sa search field.
  • I-click ang MetaTrader 5 na icon para i-install ang software sa iyong iPhone.

Step 2

  • Ngayon ikaw ay aaanyayahan para pumili sa pagitan ng Mag-login gamit ang Kasalukuyang Account / Magbukas ng Demo Account.
  • Sa pag-click sa alinman sa Mag-login gamit ang Kasalukuyang Account / Magbukas ng Demo Account, may bagong window na magbubukas.
  • Ilagay ang XM sa search field.
  • I-click ang XM.COM-Demo icon kung mayroon kang demo account, o XM.COM-Real kung mayroon kang real account.

Step 3

  • Ilagay ang iyong login at password.
  • Magsimulang mag-trade sa iyong iPhone.

FAQ

Paano ako makakapunta sa MT5 platform?

Para magsimulang mag-trade sa MT5 platform, kailangan mong magkaroon ng XM MT5 trading account. Hindi maaaring mag-trade sa MT5 platform gamit ang iyong kasalukuyang XM MT4 account. Para magbukas ng XM MT5 account mag-click dito.

Maaari ko bang gamitin ang aking MT4 account ID para makapunta sa MT5?

Hindi maaari. Kailangan mong magkaroon ng XM MT5 trading account. Para magbukas ng XM MT5 account mag-click dito.

Paano magiging validated ang aking MT5 account?

Kung isa ka nang kliyente ng XM na may MT4 account, maaari kang magbukas ng karagdagang MT5 account mula sa Members Area nang hindi na kailangan pang mag-sumite ng mga dokumento. Gayunman, kung isa kang bagong kliyente kailangan mong magbigay sa amin ng mga kinakailangang dokumento para sa pag-validate (i.e. Patunay ng Pagkakakilanlan at Patunay ng Tinitirahan).

Maaari ba akong mag-trade ng stock CFDs gamit ang kasalukuyang MT4 trading account?

Hindi maaari. Kailangan mong magkaroon ng XM MT5 trading account para mag-trade ng stock CFDs. Para magbukas ng XM MT5 account mag-click dito.

Anong mga instrument ang maaari kong i-trade sa MT5?

Sa MT5 platform maaari kang mag-trade ng lahat ng instruments na mayroon ang XM kabilang ang Stock CFDs, Stock Indices CFDs, Forex, CFDs sa Precious Metals at CFDs sa Energies

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.