Oras ng Pagti-trade

6 Asset Classes - 16 Trading Platforms - Higit 1000 instruments
Mag-trade ng Forex, Indibidwal na Stocks, Commodities, Precious Metals, Energies at Equity Indices sa XM.

Oras ng Forex Market

Ang kalakalan ay hindi natutulog. Ganun din ang pagti-trade sa XM. Dahil kung ang isang kalakalan ay magsasarado, magbubukas naman ang isa pa. Ayon sa GMT, halimbawa, ang pagkilos ng oras ng pagti-trade sa buong mundo ay ganito: bukas ang New York mula 01:00 pm – 10:00 pm GMT; pagpasok naman ng 10:00 pm GMT magbubukas ang Sydney; ang Tokyo ay magbubukas ng 00:00 am at magsasara ng 9:00 am GMT; at upang makumpleto ang pag-ikot, ang London ay magbubukas ng 8:00 am at magsasara ng 05:00 pm GMT. Sa ganitong paraan napagbibigyan ang mga nagti-trade at ang mga brokers na makapag-negosyo, kasama na rin ang partisipasiyon ng mga bangko sa lahat ng kontinente, upang makapag-trade ng 24-oras sa isang araw.

Mas Maraming Aktibidad, Mas Maraming Posibilidad

Ang forex market ay bukas 24 oras kada araw, at importanteng malaman kung alin ang pinaka-aktibong oras ng pag-trade.

Halimbawa, kung may oras na hindi siya kumikilos ng 5 pm – 7 pm EST, pagka-nagsarado na ang New York at bago magbukas ang Tokyo, ang Sydney ay handa na para sa pagti-trade na may pagkilos na kumpara sa tatlong pangunahing sesyon (London, US, Tokyo). Samakatuwid, kaunting pagkilos ay nangagahulugang kaunti din ang pagkakataong kumita. Kung gusto mong mag-trade ng currency pairs gaya ng EUR/USD, GBP/USD o USD/CHF mas malimit ang paggalaw nito sa pagitan ng 8:00 am – 12 :00 pm kung kailan parehong aktibo ang Europa at US.

Ang Pagkaalisto at ang Pagkakataon

Ang ibang dapat abangan pa sa oras ng kalakalan ay ang takdang paglalabas ng mga ulat ng mga gobiyerno at ang opisyal na balita sa ekonomiya. Ang mga gobiyerno ay nagtatakda ng mga oras kung kailan nila ilalabas ang ulat, ngunit hindi nila ito itinutugma sa mga pag-uulat ng ibang mga bansa.

Kapakipakinabang na matuklasan ang mga patungkol sa mga pang-ekonomiyang palatandaan na inilalathala ng mga pangunahing mga bansa, dahil ito ay magkasabay sa mga pinaka-makilos na mga pagkakataon sa pagti-trade ng forex. Ang maraming mga pagkilos ay nangangahulugang malaki ang maaaring kitain sa mga halaga ng mga salapi. at minsan ang mga isinagawang mga order ay hindi tugma sa presyong iyong inaasahan.

Bilang isang nagti-trade, mayroong kang dalawang opsiyon: ibahagi ang mga naitatalang balita sa iyong pagti-trade upang kumita ng malaki sa mga baryanteng mga presyuhan, o sadyaing huwag muna mag-trade sa mga oras na ito. Alinmang alternatibo ang iyong pipiliin, kailangang maging maagap sa biglaang pagbabago ng presyo na panahon ng paglalabas ng mga balita.

Mga Sesyon sa Pagti-trade

Para sa mga nagti-trade ng hapon ang pinaka-makilos na mga oras ay ang pagbubukas ng kalakalan ng London nang 08:00 GMT at ang pagsasara ng kalakalan sa Amerika nang 22:00 GMT. Ang pinaka-taluktok na oras ay kung kailan ang kalakalan ng Amerika at London ay nagsanib nang 1pm GMT – 4 pm GMT. Ang pangunahing sesyon sa bawat araw ay ang kalakalan ng London, Amerika at Asya.

Sa ibaba ay ang maikling pangkalahatang-ideya ng mga sesyon sa pagti-trade na makakatulong saiyo upang makinabang sa kalakalan:

SESYON SA LONDON – nagbubukas mula 8 am GMT – 5 pm GMT; EUR, GBP, USD ay ang mga aktibong uri ng mga salapi;

SESYON SA AMERIKA – nagbubukas mula 1 pm GMT – 10 pm GMT; USD, EUR, GBP, AUD, JPY ay ang mga aktibong uri ng salapi;

SESYON SA ASIA – nagbubukas mula 10 pm GMT nang Linggo ng hapon, at tumutulay papunta sa sesyon ng Europa nang mga 9 am GMT; na hinda masyado naaangkop na oras ng pagti-trade.

Pag-trade Online

Ang oras ng pagti-trade sa XM ay mula Linggo 22:05 GMT hanggang Biyernes 21:50 GMT. Kapag ang pagta-transaksiyon ay sarado na, ang trading platform ay hindi makapagsasagawa ng anumang pagti-trade at ang kaniyang mga kagamitan ay para sa panonood na lamang.

Para sa anumang mga katanungan, teknikal na problema, o agarang suporta, makipag-ugnayan sa aming 24-oras customer support sa pamamagitan ng email o live chat anumang oras. Kung hindi ka malapit sa PC, pakisiguro na mayroon kang account login details para matulungan ka ng aming support team sa iyong mga order.

Sa pagsasara ng mga posisyon, maglagay ng kuha-kita o hinto-lugi sa kinalalagyan ng iyong order o posisyon kailangan din sanang maibigay mo sa amin ang detalye o bilang ng iyong tiket. Pagkatapos nito ay maaari ka ng humiling ng presyo ng isang pares ng uri ng salapi at sabihin ang kasukatan ng iyong transaksiyon. (halimbawa: “Gusto ko sanang malaman ang presyo sa Dolyar laban sa Yen para sa 10 mga lot.”). Paki-tandaan pagka-pumalya ang iyong password, hindi namin maisasagawa ang iyong mga tagubilin.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.