Notipikasyon sa Hindi Independyenteng Pananaliksik sa Pag-i-invest at Babala sa Risk

Pangkalahatan

Mangyaring tandaan na ang aming Online Trading Facility ay hindi magagamit kung saan ilegal itong i-access at/o gamitin. Dahil dito, obligasyon mong siguruhin na ganap kang sumusunod sa alinmang batas, regulasyon o pangalawang batas, na ipinapatupad sa bansa kung saan ka nakatira, kaugnay ng pag-access at/o paggamit ng aming Online Trading Facility. Para maiwasan ang pagdududa, ang kakayahang i-access ang aming Online Trading Facility ay hindi nangangahulugan na ang aming Online Trading Facility, at/o iba pang aktibidad na maari mong gawin sa pamamagitan nito, ay legal sa ilalim ng batas at regulasyon na ipinapatupad sa bansa kung saan ka nakatira.

Ang aming Online Trading Facility ay hindi naglalaman, at hindi maaring gamitin para sa layunin ng, pag-alok at/o paglikom mula kaninuman sa alinmang hurisdiksyon kung saan ang naturang alok at/o paglikom ay hindi pinapahintulutan, at/o kaninuman kung saan itinuturing na hindi naaayon sa batas ang naturang alok at/o paglikom. Kaya naman, ang pag-access at/o paggamit ng aming Online Trading Facility, at ang pag-aalok ng mga pinansyal na instrument sa pamamagitan ng aming Online Trading Facility, ay maaring ipagbawal sa ibang hurisdiksyon, at, alinsunod dito, kailangang alamin at sundin ng mga gumagamit ng aming Online Trading Facility ang mga naturang pagbabawal.

Lahat ng materyales na nakalathala sa aming Online Trading Facility ay nakalaan para sa layuning edukasyonal/pang-impormasyon lamang at hindi naglalaman – at hindi dapat ituring bilang naglalaman – ng payo at rekomendasyon na pangpinansyal, tungkol sa buwis sa pag-i-invest, o pang-trade, o tala ng aming presyo sa pag-trade, o alok para sa, o paglikom ng, transaksyon sa alinmang pinansyal na instrument o hindi ginustong pinansyal na promosyon.

Anumang opinyon, balita, pananaliksik, pag-analisa, presyo, ibang impormasyon o link sa ibang mga site na makikita sa website na ito ay ibibigay tulad ng nandoon, bilang pangkalahatang komentaryo sa market at hindi ito nagtataglay ng payo sa pag-i-invest.

Hindi Independyenteng Pananaliksik sa Pag-i-invest

Kung alinmang nilalaman nito ay itinuring bilang pananaliksik sa pag-i-invest, kailangan mong isaalang-alang at tanggapin na hindi ito inilaan at inihanda alinsunod sa mga legal na pangangailangan na idinisenyo para maisulong ang pagsasarili ng pananaliksik sa pag-i-invest, at dahil dito ituturing ito na komunikasyon sa marketing sa ilalim ng mga kaugnay na batas at regulasyon.

Walang mga Representasyon/Warranty

Hindi tinatanggap ng XM at ng mga ikatlong partidong tagapagbigay ng impormasyon ang anumang responsibilidad sa paggamit nito o anumang kalalabasan na magreresulta mula dito. Walang ibibigay na representasyon o warranty sa pagiging tama o kumpleto ng impormasyong ito. Ang mga impormasyong nakapaloob dito ay hindi dapat ituring bilang pamalit sa pagsasagawa ng sariling desisyon dahil hindi isinasaalang-alang ng mga impormasyon dito ang tiyak na hangarin sa pag-i-invest, pinansyal na sitwasyon, o partikular na pangangailangan ng sinumang makakatanggap nito.

Magkasalungat na Interes

Kahit na hindi kami hinahadlangang mag-deal bago ang paglalathala ng aming pananaliksik, hindi ito sasamantalahin ng XM bago ibigay sa mga kliyente. Ang mga Kabilang sa XM Group ay may pakay na magtatag, magpanatili, at magpatakbo ng epektibong organisasyonal at administratibong kaayusan nang ginagawa lahat ng mga makatwirang hakbang para maiwasan ang magkasalungat na interes na bubuo o magdudulot ng malaking risk sa pagkasira sa interes ng aming mga kliyente. Ang mga Kabilang sa XM Group ay may patakaran sa pagsasarili, na nagtatakda sa mga empleyado at/o mga kaugnay na partido na kumilos sa pinakamahusay na interes ng aming mga kliyente at iwasan ang anumang magkasalungat na interes sa pagbibigay ng aming mga serbisyo.

Mangyaring siguruhin na nabasa at lubos mong naintindihan ang Patakaran sa Magkasalungat na Interes sa aming Online Trading Facility na maa-access dito.

Hindi Indikasyon ang Nakaraang Galaw ng Market

Ang aming Online Trading Facility ay maaring magkaroon ng sangguni tungkol sa nakaraang galaw ng market. Gayunman, hindi ito maaasahang tagapaghiwatig ng mangyayari sa hinaharap. Maaring hindi maulit sa hinaharap ang mga indikasyon sa nakaraang galaw ng market na nakalagay sa aming Online Trading Facility. Walang katiyakang ibinibigay na ang anumang investment ay magkakaroon o malamang magkaroon ng kita o pagkalugi tulad ng nakamit sa nakaraan, o di kaya maiiwasan ang mga matitinding pagkalugi.

Mga Pahayag Tungkol sa Hinaharap

Ang mga materyales sa marketing na nakapaloob sa aming Online Trading Facility ay maaring maglaman ng mga pahayag tungkol sa hinaharap. Ang mga naturang pahayag ay maaring datos na nakuha bilang resulta ng mga naka-simulate na galaw ng market sa nakaraan/hinaharap batay sa mga kasalukuyang inaasahan, pagtantya, projection, opinyon, at paniniwala ng mga miyembro ng XM Group at/o ikatlong partido. Ang mga pahayag tungkol sa hinaharap ay likas na nagtataglay ng risk at walang kasiguruhan dahil may kinalaman ito sa mga nagaganap at nakadepende sa mga kalagayan na pwedeng mangyari o hindi mangyari sa hinaharap. Walang kasiguruhang maibibigay na ilalabas ang mga pahayag tungkol sa hinaharap na nakapaloob sa dokumentong ito.

Babala sa Risk

Nagtataglay ng mataas na lebel ng risk sa iyong kapital ang pag-trade sa alinmang pinansyal na market. Ang CFDs ay mga naka-leverage na produkto. Maaaring hindi nababagay para sa lahat ang CFD trading at maaring magresulta ito sa pagkalugi ng lahat ng iyong in-invest na kapital, kaya siguruhin na lubos mong naiintindihan ang mga kaugnay na risk. Tiyakin din na nabasa at lubos mong naintindihan ang Pahayag sa Risk sa aming Online Trading Facility na maa-access dito.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.