Biography

Richard Caringal

Si Richard Caringal ay nagsimulang mag trade sa Philippiine Stock Market dahil sa pagiging curious dito. Bilang isang baguhang trader, madalas ay nagbabasa lang siya sa social media para makahanap ng mga bibilhing stocks na di kalaunan ay nag resulta sa sunod sunod na pagkalugi. Dahil sa mga losses na naranasan niya noong 2017, nagsimula syang mag aral ng Technical Analysis hanggang sa nalaman niya ang Forex Trading. Dahil sa volatility ng market na ito, lalo syang naging interesadong pag-aralan ang Forex Trading. Marami syang nakilala magagaling na mentors na nagturo sa kanya ng technical analysis.

Noong 2018, napansin niyang parang may kulang sa kanyang trading plan, dito na niya sinimulang mag aral ng Fundamental Analysis. Dahil wala syang makitang maaring magtuturo sa kanya nito, nag-aral sya ng macroeconomics sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro at pag reresearch sa internet. Dahil sa kakulangan ng resources, nag-enroll siya sa Bloomberg Certification Courses para magkaroon ng access sa mas malawak na datos upang makumpleto ang kanyang research.

Matapos makumpleto ang kanyang data, sinimulan na niyang gawin ang kanyang sariling strategy at patuloy na itong pinagbubuti sa pamamagitan ng araw-araw na experience sa trading. Ngayon sya ay nagtuturo kung paano gumamit ng Bloomberg at hangarin nyang maibahagi ang kanyang mga natutunan sa mga taong gustong matuto kahit na anu pang estado ng kanilang buhay.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.