Bumisita ang XM sa isang Ampunan sa Selangor

Ipinaskil Enero 23, 2024 ng 8:01 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakapukaw sa aming damdamin ang kolaborasyon na inorganisa namin sa aming headquarters sa Cyprus, kung saan nakipagtulungan kami sa We Listen Malaysia Organisation sa Selangor upang suportahan ang bahay-ampunan na Cahaya Kasih Bestari Care Centre sa napakarangal nitong layunin.

Mula sa bigas, oyster sauce, manok, hanggang sa sabon, diaper, mga gamit pang-eskwela at bentilador, pati mga washing machine, siguradong makakatulong ang mga ibinahagi naming kagamitan sa pagpapabuti ng buhay ng mga kabataan.

Pumunta sa Malaysia ang aming team mula sa Cyprus at Greece para ipamigay ang gamit sa mga bata, at tuwang-tuwa sila sa nakita nilang reaksyon. Nagkaroon din sila ng oportunidad na makilahok sa mga masasayang aktibidad, isang bagay na siguradong maaalala nila habambuhay.

Hindi mangyayari ang inisyatibang ito kung wala ang tulong ng We Listen Malaysia Organisation, isang NGO na tumutulong at nangangalaga sa kapakanan ng mga kapus-palad. Ang kanilang dedikasyon ay nagpapatunay na susi ang mga mabubuting tao upang mabago ang kalagayan ng ating mundo.

Ang event na ito ay bahagi ng #WeListenCare program, na naglalayong suportahan ang pamamahala ng mga bahay-ampunan sa pamamagitan ng pagpapadali ng kanilang mga gawain sa pag-aalaga ng mga bata. Tunay ngang naging matagumpay ito sa Cahaya Kasih Bestari Care Centre, kaya naman isa na naman itong pagpapatupad sa pangarap naming mapabuti ang buhay ng mas maraming bata at matulungan pa ang mga bahay-ampunan sa buong mundo.

Abot-langit ang tuwa at pagmamalaki namin sa We Listen Malaysia Organisation. Bukod sa makakatulog nang mahimbing ang mga bata na may ngiti sa kanilang mukha, ito ang panghuli naming kawanggawa ngayong 2023 kaya papasok kami sa 2024 nang nananatiling totoo sa aming mga layunin. Isa lamang ito sa mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki naming maging bahagi ng XM.

Isinagawa ang event na ito noong Nobyembre 27, 2023 sa bahay-ampunan na Cahaya Kasih Bestari Care Centre at ito ang ika-apat na kawanggawa na inorganisa ng XM sa Malaysia nitong taon. Parte ito ng patuloy naming pagsisikap na makatulong sa mga komunidad sa buong mundo.

Alamin pa ang tungkol sa We Listen Malaysia Organisation at tulungan silang bumuo ng mas maganda pang mundo para sa lahat.