XM Namigay ng Computers sa Paaralan sa Vietnam

Ipinaskil Marso 19, 2024 ng 9:51 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Disyembre 20, 2023, nakipagtulungan ang XM sa Nuôi Em Project para mamahagi ng bagong teknolohiya sa Highlands ng Vietnam. Dahil sa ibinigay naming 15 computer, lalawak ang kaalaman sa teknolohiya ng mga mag-aaral sa Son La, Vietnam.

Bumisita kami sa Chieng Chung school para kausapin ang punongguro at mga guro upang mas maintindihan ang mga naiibang pagsubok na kinakaharap ng mga estudyante dito.

Tumulong din ang team namin sa pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano gamitin ang computer at ipinaranas nila sa kanila ang mismong paggamit nito.

Sinusuportahan ng Nuôi Em ang mga mahihirap na kabataan lalo na sa mga malalayo at naghihikahos na rehiyon sa Vietnam, kung saan nagsasagawa sila ng iba’t-ibang proyekto. Kabilang dito ang pamamahagi ng pagkain, pagpapatayo ng mga computer lab, eskwelahan, tulay, pati na ang pag-aampon ng mga bata at iba pang kawanggawa. Layunin nilang umunlad ang mga kapus-palad na komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nito.

Magbasa pa tungkol sa Nuôi Em Project dito.