Naghatid ng Tuwa ang XM sa RCHD sa Singapore

Ipinaskil Enero 17, 2024 ng 11:56 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa isang nakakaantig na kolaborasyon, nakipagsanib-pwersa kami kamakailan sa Red Cross Home for the Disabled (RCHD) sa Singapore para iparanas ang Immersive Disney Animation at magbigay ng tuwa sa mga pinaka-nangangailangan nito.

Idinisenyo ang inisyatibang ito para dalhin ang 12 residente ng Red Cross Home na may matinding pisikal o intelektwal na kapansanan sa isang aktibidad na punong-puno ng mahika at pagkamangha, at upang mapabuti ang estado ng kanilang pag-iisip at tulungan silang makahanap ng kasiyahan.

Ang RCHD ay ang kauna-unahang residensyal na tahanan sa Singapore para sa mga indibidwal na humaharap sa ganitong pagsubok. Nagbibigay ito ng walang-tigil na pagkalinga sa 100 indibidwal na may kapansanan na hindi kayang alagaan ang kanilang mga sarili.

Layunin din ng programa na maibsan ang pinansyal na paghihikahos ng mga pamilyang nahihirapang makabili ng mga pangunahing bilihin sa pamamagitan ng pagbibigay nito para sa mga residente. Agaw-atensyon ang Singapore Red Cross dahil sa mga ginagawa nitong kawangga, at misyon nito ang bawasan ang paghihirap ng mga tao, protektahan ang mga buhay at dignidad, at tugunan ang mga nangangailangan ng tulong.

Inorganisa ang pamamasyal na ito ng dedikadong staff ng RCHD at kitang-kita ang ligaya ng 12 residente noong nakapanood sila ng Disney at nakilahok sa mga aktibidad na nagpayaman sa kanilang katawan at pag-iisip. Nagpapasalamat kami sa lahat ng ginawa ng RCHD para dito at sa pagpapahintulot sa’min na makapag-ambag para sa isang positibong pagbabago.

Ginawa ang event noong Nobyembre 23 at Nobyembre 30, 2023 sa kilalang-kilalang Sands Theatre sa Marina Bay Sands. Ito ang ikatlong event na inorganisa ng XM sa Singapore sa loob nitong taon at bahagi ito ng patuloy naming pagsisikap na makatulong sa mga komunidad sa buong mundo.