Suportado ng XM ang Manny Pacquiao Foundation

Ipinaskil Nobyembre 2, 2023 ng 1:37 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagmamalaki ng XM ang pagbibigay nito ng ayuda sa Manny Pacquiao Foundation nitong Setyembre 28.

Ang donasyon namin ay mapupunta sa pagsuporta ng marangal na layunin ng Cameleon Association, na tumutuon sa pagkalinga at rehabilitasyon ng mga batang babae na biktima ng pang-aabuso at pananamantala.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa pagpapayo at rehabilitasyon, pati ng ligtas at maayos na tirahan kasama ng mga pang-araw-araw na pangangailangan at mahalagang sikolohikal at medikal na tulong, sigurado kaming nakakatanggap ang mga kabataang ito ng karapat-dapat na pag-aaruga. Idinisenyo ‘to para tulungan silang makabalik sa lipunan bilang mga matatag na indibidwal na may tiwala sa sarili.

Malakas din ang kumpiyansa namin na ang aming kontribusyon ay magsusulong sa pagpapatuloy ng mga edukasyonal na programa na magtataguyod sa kanila, gamit ang mga kaalaman at kasanayan na makakatulong para magkaroon sila ng mas maliwanag na kinabukasan.

Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga inisyatiba ng Manny Pacquiao Foundation at ng Cameleon Association, umaasa kami na makakatanggap ang lahat ng batang babae ng pinakamagandang oportunidad para magkaroon ng nirerespeto at masayang buhay.

Malaking dahilan ng aming pakikipagtulungan sa boxing champ na si Manny Pacquiao ay ang magkatuwang naming layunin na tumulong at pabutihin ang lipunan na aming kinabibilangan.

Kung gusto mo ring magbigay ng tulong, pwede kang mag-donate sa Manny Pacquiao Foundation dito.