Isinagawa sa Pilipinas ang Pinakabagong Serye ng mga Seminar

Nakapaskel Nobyembre 20, 2018 ng 8:41 am GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong nakaraang buwan, matagumpay kaming nakapagsagawa ng iba pang forex seminar sa Pilipinas, kung saan bumalik kami para makapagbigay sa mga kliyente ng libreng propesyonal na edukasyon at palalimin ang kanilang kaalaman sa pag-trade gamit ang mga mahuhusay na pamamaraan sa forex.

Ang seminar na pinamagatang Ang Avramis River Indicator at Reversal Candles ay pinamunuan ng propesyonal na instruktor sa pag-trade na si Jonathan Lou Reyes sa tatlong magkakaibang lokasyon sa pagitan ng Oktubre 13 at Nobyembre 17: sa Baguio, Cebu at Cagayan de Oro.

Ang pang-edukasyonal na seminar ay idinisenyo para siyasatin ang mga pinakamahahalagang detalye sa kung paano gamitin ang technical analysis upang pag-aralan ang kalidad at lakas ng trend sa market. Hinikayat nito ang napakaraming traders na pursigidong makinabang sa mga impormasyong tinalakay. Lahat ng mga dumalo sa seminar sa tatlong siyudad ay nagkaroon ng oportunidad na matuto ng mga importanteng detalye tungkol sa technical analysis, pati na sa paggamit ng technical indicators. Ito ang dahilan kung bakit malaking bahagi ng presentasyon ni Jonathan Lou Reyes ang inilaan sa paggamit ng Avramis River Indicator, na nakakatulong para tukuyin ang ranging markets, alamin ang support-resistance levels at makita ang mga trend na may mataas na kalidad. Sa pamamagitan ng mga ipinaliwanag na teorya at detalyeng ipinakita sa praktikal na halimbawa, lahat ng aming mga bisita ay nagkaroon ng malinaw na pagkakaintindi sa mga pamamaraan at istratehiya sa pag-invest online.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa seminar dahil sa kanilang pakikibahagi sa bawat siyudad, at nasasabik na kaming bumalik sa Pilipinas para sa iba pang mga libreng seminar sa hinaharap.

Hanggang sa aming susunod na seminar, iniimbitahan muna namin ang mga kliyente sa libreng XM webinar, na tumatalakay ng napakaraming paksa sa tunay na presentasyon. Para mag-rehistro nang libre sa mga paksa na iyong napili, mangyaring mag-click dito.