post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Siap Siaga ng Indonesia

Nakapaskel Abril 2, 2021 ng 8:46 am GMT

Noong Pebrero 25, 2021, nagbigay ng donasyon ang XM sa proyektong pangkawanggawa sa Indonesia na Siap Siaga para mangalap ng pondo at makapagbigay ng pagkain at mga kagamitang medikal at pangkalinisan sa mga biktima ng lindol na sumalanta sa rehiyon kamakailan. Ang Siap Siaga ay proyekto ng Dompet Dhuafa, isang non-profit na organisasyon sa Indonesia na nagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan. Ang aming donasyon ay napunta sa pamamahagi ng mga hygiene kit sa mga biktima ng lindol. Patuloy [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang Go with the Flow

Nakapaskel Marso 29, 2021 ng 11:48 am GMT

Natutuwa kaming ibalita ang matagumpay na pagpapatuloy ng aming taunang suporta at pakikipagtulungan sa Go with the Flow, isang grupong pangkawanggawa na tumutugon sa kalinisan at problema ng mga kapus-palad na kababaihan sa Uganda. Hindi pumapasok sa paaralan ang mga batang babae sa Monde orphanage sa Uganda kapag wala silang mga produktong pangkalinisan tuwing mayroon silang buwanang dalaw. Sa halip, gumagamit sila ng mga basahan o dahon na napakadumi, hindi komportable, at nakakahiya, kaya naman imposible para sa kanila na [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Pampublikong Ospital sa Mexico City

Nakapaskel Marso 23, 2021 ng 12:57 pm GMT

Gusto naming ibalita na noong Pebrero 12, 2021, nagbigay kami ng mga kagamitang medikal sa pamamagitan ng Universidad Panamericana para sa mga doktor ng ospital na 20 de Noviembre, isang pampublikong ospital sa Mexico City, para tulungan silang labanan ang Covid-19. Kabilang sa mga kagamitan ang mga face mask, guwantes at medikal na gown. Isa ang Mexico sa pinakaapektadong bansa sa buong mundo, at kabilang ito sa nangungunang 15 bansa na may pinakamaraming kaso ng Covid-19. Ito din ang ika-3 [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Vietnam Young Physicians Association

Nakapaskel Enero 21, 2021 ng 10:30 am GMT

Ang nakaraang sakuna na tumama sa Gitnang Vietnam sa probinsya ng Quang Binh, Quang Tri at Thua Thien Hue ay nagdulot ng matitinding pag-ulan na sanhi ng pagbaha sa maraming lugar kabilang ang mga nayon, bayan, kalsada at iba pang imprastraktura. Maraming tao ang nawalay, nawalan ng bahay at alagang hayop, at nangangailangan ng matinding tulong para makabalik sa normal na buhay. Noong Nobyembre 22, 2020, bilang bahagi ng aming patakaran at insyatiba sa corporate social responsibility, nagbigay kami ng [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Dompet Dhuafa

Nakapaskel Disyembre 24, 2020 ng 7:00 am GMT

Lubhang nakakaapekto pa rin ang COVID-19 pandemic sa mga mahihirap na komunidad sa buong mundo. Maraming tao ang nalugmok sa kahirapan dahil sa epekto ng pandemya sa pandaigdigang ekonomiya, at hindi makaraos para sustentuhan, suportahan at protektahan ang kani-kanilang mga pamilya. Sa pagsisikap naming tulungan ang mga taong nangangailangan, at bilang bahagi ng aming inisyatiba sa corporate social responsibility, nagbigay kami ng donasyon sa #MelawanCOVID-19 (Sama-sama Tayo Laban sa Corona) ng Dompet Dhuafa para makapagbigay ng pagkain, serbisyong pangkalusugan at [..]

post-image

Nagbigay ng donasyon ang XM sa mga bata sa tulong ng OrphanCare

Nakapaskel Disyembre 22, 2020 ng 8:35 am GMT

Karapatan ng lahat ng bata na lumaki sa ligtas at nagmamalasakit na pamilya. Pero sa libu-libong bata ang naulila at inabandona sa buong Malaysia, sa kasamaang-palad, hindi natutugunan ang mga kondisyong ito. Dulot ng hindi sapat na edukasyon, pangangalaga sa bata, at emosyonal na suporta, ang mga batang nasa institusyon ay kulang sa pag-aarugang kailangan para lumaki at umusbong. Sa pagsisikap nitong makapagbigay ng kumakalingang tahanan para sa mga batang dehado, ang OrphanCare ay may serbisyo sa propesyonal na pag-alis [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang ACT Indonesia ngayong Pandemya

Nakapaskel Nobyembre 26, 2020 ng 11:16 am GMT

Isang malungkot na katotohanan ang matinding epekto ng 2020 Covid-19 pandemic sa ekonomiya ng mundo, kung saan pinakaapektado ang mga mahihirap at kapus-palad sa lahat ng grupo sa lipunan. Dahil wala silang paraan para protektahan o pangalagaan ang kanilang sarili at pamilya, lalo na kung nawalan sila ng trabaho dahil sa pandemya, nagsisikap nang husto ang mga naghihikahos at kapus-palad na komunidad sa buong mundo para makaraos, dahil dito nakataya ang kanilang buhay. Bilang parte ng aming mga patakaran at [..]

post-image

Nag-donate ang XM sa Lebanese Red Cross

Nakapaskel Agosto 6, 2020 ng 12:02 pm GMT

Ikinagulat ng buong mundo ang napakalaking pagsabog na nangyari noong Agosto 4 sa daungan ng Beirut. Dahil sa maraming namatay, libo-libong sugatan, 50% ng siyudad na lubhang nasira at hindi pa nalalamang bilang ng mga taong natabunan ng mga gumuhong gusali, isa itong nakapipinsalang sakuna para sa lungsod ng Beirut. Ipinapabatid namin ang aming simpatya, suporta at pakikiisa sa mga mamamayan ng Beirut sa pamamagitan ng pagbigay ng malaking halaga sa Lebanese Red Cross, upang makatulong sa pagsalba ng mga [..]

post-image

Itinataguyod ng XM ang mga Batang Ulila sa Uganda

Nakapaskel Hulyo 22, 2020 ng 7:59 am GMT

Nitong Hulyo 2020, inulit ng XM ang taunang suporta at pakikipagtulungan nito sa Go with the Flow, isang organisasyon na may misyong tugunan ang mga pag-aalala at problemang pangkalinisan ng mga batang kapus-palad sa Uganda, upang matulungan silang magkaroon ng normal na buhay. Kada buwan sa Monde Orphanage sa Uganda, hindi pumapasok ang mga batang babae sa paaralan dahil wala silang mga produktong pangkalinisan tuwing dinadatnan sila. Sa halip, gumagamit sila ng mga basahan o dahon na masama sa katawan, [..]

post-image

Donasyon ng XM sa Maison Chance Foundation para sa mga Kabataan

Nakapaskel Hulyo 3, 2020 ng 9:44 am GMT

Noong Hunyo 24, nagsagawa ng isa pang kawanggawa ang XM sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa Maison Chance Foundation sa Vietnam. Mula umpisa, malaki ang natutulong ng corporate social responsibility ng kumpanya sa pagsuporta sa mga maralitang kabataan na hindi pinalad sa kalusugan, edukasyon at kinabukasan. Kaya naman, isinaisip namin ito noong nakipagtulungan kami sa NGO na Maison Chance sa Ho Chi Minh, na may layuning makapagbigay ng ligtas na tirahan at mga pangangailangan sa mga batang may kapansanan, [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.