Nakapag-uwi ng Dalawang Parangal ang XM sa Global Forex Awards 2021 – Retail

Ipinaskil Nobyembre 1, 2021 ng 9:11 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ibalita na pinarangalan ang XM bilang Pandaigdigang Forex Broker ng Taon at Pinaka-pinagkakatiwalaang Forex Broker – Buong Mundo sa Global Forex Awards 2021 – Retail!

Isinagawa ang proseso ng pampublikong botohan noong Hulyo 2021, kung saan 31,000 boto ang nalikom mula sa 4,000 botante. Ito na ang ikatlong sunod na taon kung saan pinarangalan kami ng Global Forex Awards bilang Pandaigdigang Forex Broker ng Taon.

Sabi ng direktor ng mga parangal na si Mike Boydell, “Lahat ng nanalo ngayong taon ay binoto ng kanilang kapwa at mga kliyente, at pinili sila dahil sa kanilang napakahusay na serbisyo. Ang pagkakapanalo ng parangal ay isang kamangha-manghang tanda ng pagtitiwala at tagumpay dito sa industriyang may mahigpit na kompetisyon.”

Gusto naming pasalamatan ang Global Forex Awards at ang bawat isang bumoto para sa amin. Patuloy ang aming pagsisikap na tugunan ang napakataas na pamantayang inaasahan ng mga kliyente mula sa amin.